the ugly writers

A Single Note From My Heart

Minsan, tanggap mo nalang na lagi kang failure. Pero bakit? Bakit palagi nalang? Bakit ang iba ang saya-saya kasi nakuha na nila yung happiness nila sa buhay? Bakit yung iba, simple ang buhay pero napakasaya? Bakit ako? Nabibili ko na ang nais ko.

A Single Note From My Heart is a tagalog short story written by Jelly V Chavez and shared with The Ugly Writers under the theme Stop, Look, and Listen for the month of May

 

A Single Note From My Heart

 

Life are full of consequences… Minsan my mga bagay na hindi mo iniexpect na mangyari.Minsan naman may mga bagay na gusto mo mang mangyari pero hindi binibigyan ng pagkakataon ng tadhana na mangyari iyon. Kahit ipilit ng ipilit o gawan mo man ng paraan, still gagawa din ito ng way para hindi mangyari ang lahat.

Nakakafrustrate.

Nakakalungkot.

Pero wala kang magawa. Kung meron man yun yung magmukmok sa isang tabi, magmuni-muni, at di mo namamalayang dumadaloy na pala ang luha sa iyong mga mata. Pero hindi dapat ganoon ang iyong tugon. Kasi pwede mo namang isiping may next time pa. Pero manghihinayang ka rin kasi sa panahon na dapat mangyari ang dapat mangyari.

Minsan, tanggap mo nalang na lagi kang failure. Pero bakit? Bakit palagi nalang? Bakit ang iba ang saya-saya kasi nakuha na nila yung happiness nila sa buhay? Bakit yung iba, simple ang buhay pero napakasaya? Bakit ako? Nabibili ko na ang nais ko. Matatawag ko na ang sarili ko na successful pero bakit di ko parin maabot yung…

Yung sayang nais ko…

Para kasing may kulang.

I have still a empty heart behind my full smile.

Since….

Gusto kong gawin ang gusto ko dahil hanggang ngayon hindi ko parin nafufulfill lahat ng iyon..

Gusto kong kahit minsan maging malaya kahit mag-isa kong gawin iyon.

Gusto kong maglakbay.

Gusto kong mapag-isa kahit sa isang sandali lamang at bigyang pagkakataong gawin ko ang nais ko..

Na walang pag-aalala.

Walang inaalala.

Kahit sa isang alaala lamang…

 

Read more from Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Jelyn V. Chavez
Articles: 10