Sana

Pinili ko sana ang makinig sa iyo. Pinigilan ko sana ang galit sa puso ko.

Sana is a lovely Tagalog poem written by Sheng Milante Castro and shared with The Ugly Writers under the theme Catharsis under the month of June

Pinili ko sana ang makinig sa iyo.
Pinigilan ko sana ang galit sa puso ko.

Noong sinabi mong pagod ka na
At nakita ko ang luha sa iyong mga mata
Natakot ako!
Nalungkot!
Alam ko na kase kung saan tayo papunta.
Hindi ito ang pinangarap ko para sa ating dalawa
Hindi naman ito ang ipinangako ko sa iyo.
Pero ng bumitaw ka
Wala akong ginawa.
Wala akong nagawa.

Minsan kapag binabalikan ko ang ating mga alaala,
Naitatanong ko sa sarili ko
Paano kaya kung hindi  ako humintong unawain ka?
Sana hindi ako bumitaw kahit sumuko ka na.
Hindi sana ako umagwat ng malayo para narinig kita.
Niyakap sana kita ng mahigpit at pinunasan ko ang iyong mga luha.

Lahat ng ‘yan ay ginawa ko sana

Noong panahong ikaw ay akin pa.

 

If you liked the creation of Sheng Milante Castro, visit her Facebook Page Pink Diary or read more of her previous entries at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

 

Read more entries under the theme Catharsis: Healing Through Narrative only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Sheng Milante Castro
Articles: 7

Leave a Reply