the ugly writers

Patuloy

Daan-daang silid ang napuntahan, Walang tinagalan; lahat pinagsarhan. Nakakapagod 'no?

Para sa lahat ng napapagod, isa lamang ang aking katanungan. Pang ilang pinto mo na nga ba ito? Sigurado akong ‘di ito ang unang pinto; ‘di ito ang unang nagsara. Ngayon ka pa ba hihinto? Ilang beses na dumanak ang pawis sa ‘yong katawan dahil sa pagod. Ngayon ka pa ba mapapagod? Tumayo ka r’yan at ‘wag mapagod magpatuloy. Dahil higit na malayo kana sa ‘yong nasimulan at papalapit na sa ‘yong dapat na kalagyan. Tiwala lang!

———–

Nakakapagod ‘no?
Sa bawat pagsapit ng dilim
Ayan na naman siya.
Nanggugulo—-nanghahalina.

Daan-daang silid ang napuntahan,
Walang tinagalan; lahat pinagsarhan.
Nakakapagod ‘no?

Paulit-ulit na senaryo,
tila walang pagbabago.
Paulit-ulit na nagbubukas ang mga silid,
Sa huli, lahat nagsasarado lang din.

Nakakapagod ‘no?
Ngunit, ngayon ka pa ba hihinto?
Pang ilang pinto na ba ‘to?

Tumayo ka at ‘wag magsawang maglakad.
Sigurado akong sa huli,
may pintong magbubukas
at ‘di na magsasarado pang muli.

Default image
Kaye Hibe Hernandez
Articles: 1

Leave a Reply