the ugly writers

The Ex and Why’s

Sabihin mo sa akin ang katotohanan? Bakit mo sya nagustuhan? Matagal na ba kayong nagmamahalan? Kailan mo pa‘to sinimulan?

The Ex and Why’s is a poem guest-written under one of our pioneer members’ account, Ms. Taciturn, and shared with The Ugly Writers

 

The Ex and Why’s

 

Simula noong nag-school tayo,
Ikaw na ang aking gusto.
Nagumpisa sa pagiging magkaibigan,
Hanggang nauwi sa magka-ibigan

Matagal na tayong magkakilala
Mabait naman tayo sa isa’t-isa,
Ngunit noong isang beses na kita’y binisita,
Nakita ko na may kasama kang iba.

Sino ba sya? Kailan pa kayo nagkakilala?
Ang sabi mo sakin ay may sakit ka kaya di ka makabalik-eskwela.
Ngayon na binisita kita, akala ko nagpapahinga ka,
Pero kasama mo pala siya ni hindi mo man lang pinakilala.

Sabihin mo sa akin ang katotohanan?
Bakit mo sya nagustuhan?
Matagal na ba kayong nagmamahalan?
Kailan mo pa‘to sinimulan?

Matagal mo na ba akong pinagtataguan?
Ito bang relasyon natin ay isang kasinungalingan lamang?
Anong bang nangyari? Anong bang nagawa ko?

Ang dami kong tanong, pero isa lang ang gustong malaman…
BAKIT?
Bakit mo nagawa ito?
Bakit? Bakit? Bakit?

Ngunit ang hinintay kong sagot ay iyo pa ding pinagkait.
Ngayon alam ko na, isa ka palang taong mapaglaro at mapanakit!
From Friends to Lovers..
We ended up as Strangers.

You said it was just You & Me
I thought we were meant to be..
But it turned out,
You’re not The One for me.

                                                                                                         Rielle J. ♥️

Avatar photo
Ms. Taciturn

I am decisively indecisive. A paradox. A woman.

Articles: 15

Leave a Reply