the ugly writers

Di Maaari

Sa bawat ngiti Kasabay nito'y pighati Sa bawat tawanan at kulitan Kasabay nito'y luha sa pusong nagluluksa

Di Maaari is a tagalog poem written by Mia and shared with The Ugly Writers under the theme Quell for the month of January

 

Di Maaari

 

IMG_20221122_124743-af9ff018

Kailan kaya susuko
Ang puso kong sayo nahulog
Umibig sa maling oras at pagkakataon

Hindi ko naman kayang pigilan
Puso kong sayo lang muli umibig

Sa bawat ngiti
Kasabay nito’y pighati
Sa bawat tawanan at kulitan
Kasabay nito’y luha sa pusong nagluluksa

Alam kong di mo kayang ibigay
Pagmamahal na aking binibigay
Hindi dahil meron kang iba
Kundi dahil di maaari
Hindi pwede…

Mundo nati’y magkaiba
Parang langit at lupa
Ikaw ang langit at ako ang lupa
Pinagtagpo pero di tinadhana

Sa ating nasimulan
Nasimulang pagkakaibigan
Na ninais kong maging ka-ibigan
Ngunit di maaari
Hindi maaari
Sapagka’t ito’y panandilian lamang

Pagtatagpong may limitasyon
Pagkakaibigang may hangganan

Alam kong kailangan kong bumitaw
Kailangan kang palayain
Pagmamahal sa pusong kong kailangan kong patayin

Heto na ang oras
Ang oras nang pag suko
Ng puso kong sayo nahulog
Sa pag ibig na kailanman ay di maari.

 

By: SimpleMe

Leave a Reply