Duyan

Ikaw sintay aking iniibig Sa bawat lambing dalang kilig Gustong umawit kahit mali ang tono Kahulugan sateng mga oo Mahal sakin ikaw ay sapat

Duyan is a tagalog poem written by Xabrina and shared with The Ugly Writers under the theme Quell for the month of January

 

Duyan

Hangin na dumadampi sa bawat ngiti

Ugoy ng lambing na tinatangi

Ikaw sintay aking iniibig

Sa bawat lambing dalang kilig

Gustong umawit kahit mali ang tono

Kahulugan sateng mga oo

Mahal sakin ikaw ay sapat

Kaya ngayoy akoy tapat

Bahagi ka ng makulay na mundo

Pag bilang koy ikay sumakto

Ang palagay koy mahal kita

Paulit ulit mang di mo nakikita

Ikaw at ikaw ang pipiliin

Kahit masktan di sisisihin

Numerong tama sa bawas

Pag ibig ko sayoy aawas

Dapit hapon na ngay sisilim

Sateng duyan na nililihim

Mapayapang tayo sa ngayon

Madapa man, sa umpisa lilingon

Tali na maaring maiba ang dulo

Patas na maaring magulo

Ngunit wala munang takot

Sa ngayong prehong meron na tayo

 

Read previous entry from Xabrina:

the ugly writers

Avatar photo
Xabrina

Sad And Happy

Articles: 2

Leave a Reply