the ugly writers

Ayoko Na Mangarap Kung Ikaw Ang Panaginip

Magulo at malungkot ang nakasanayan ko kapag ako ay gising Kabaliktaran ng kasiyahan na pinapadama mo kapag iniiwan ko ang tahimik na katawan lupa sa maingay na sirkulasyon ng mundo

Ayoko Na Mangarap Kung Ikaw Ang Panaginip is a tagalog poem written by Ordi Naryo and shared with The Ugly Writers under the theme Infectious for the month of June

 

Ayoko Na Mangarap Kung Ikaw Ang Panaginip

 

36096C2D-ABE0-46FE-A909-02346F12AB01-b444b94b

 

May sandali na mas masarap makasama sa panaginip ang isang Tao na hindi mo maalala ang itsura
Sabik na bumalik sa pagkakatulog umaaasa na madugtungan ang tagpo na hindi mapaliwanag
Pero gigisingin ng reyalidad para tugunan ang kwalipikasyon at pamantayan ng buhay sa oras na ikaw ay bumangon
At sa oras na bago ako babalik sa mundo ng pagkakatulog
Humihiling na makita kita
Panalangin na dalawin mo ako kahit sa sandaling idlip
Magulo at malungkot ang nakasanayan ko kapag ako ay gising
Kabaliktaran ng kasiyahan na pinapadama mo kapag iniiwan ko ang tahimik na katawan lupa sa maingay na sirkulasyon ng mundo
Malungkot kapag iyong ginigising para bumalik sa magulong buhay ko
Kaya sana sunduin mo ako sa aking pag tulog
Walang alinlangan na ako ay sasama dahil ayoko na bumalik pa sa totoong buhay
Matupad ang pangarap ko na mapayapang pahinga
Ikaw mismo ang kasama sa kapirasong panaginip…

 

Read more entries from Ordi Naryo here at The Ugly Writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Ordinaryo

Ordinaryo

Articles: 6

Leave a Reply