Maganda sa Pangit is a tagalog poem written by DC Alviar and shared with The Ugly Writers under the theme Infectious for the month of June
Maganda sa Pangit
Maganda sa maganda ang maganda ang ugali
Subalit pangit sa pangit ang pangit ang ugali.
Pangit na nga ang dalawang pagpipiliang pinuno
Na parehong buhat sa mga dinastiyang ninuno
Sila pa ang nagbabangayan
Lihim ang pangit na turingan.
Pabor naman ako sa gawa ng kapwa ko pangit
Sa pagsusulat, nalalantad kung sinong masungit.
Aanhin ng lipunan ang kagandahan
Kung katotohanan ang pinagtatakpan?
Manapa’y ilantad ang pangit
May pagpabor naman ang langit.
Sa huli, pangit lang ang turing
Pero ‘di naman nalalasing
Sa mumunting kapangyarihan bilang mamamayan
Katwira’y pinahahalagahan, mahal ang bayan.
Pagsusumamo lamang: lumaban nang patas
Mga pulitiko’t mapagkunwaring pantas.
Check out the latest write-up by DC Alviar on Tutubi PH.




