the ugly writers

EDSA XXXVII

Ipinanganak ako nung Nobyembre 1986. So, tapos na ang People Power nang ako ay mamulat sa ating lipunan.

EDSA XXXVII is a short Filipino note written by Alberto C. Colasito and shared with The Ugly Writers under the theme Independence for the month of July.

EDSA 37

Bukod sa holiday, ano ang essence ng buhay mo sa selebrasyon ng EDSA? 

Ipinanganak ako nung Nobyembre 1986. So, tapos na ang People Power nang ako ay mamulat sa ating lipunan.

Hindi ko naramdaman ang sinasabi nilang torture, paglabag sa karapatang pantao at pagkawala ng mahal sa buhay. Ang naramdaman ko ay kung paano magsimula sa wala ang mga magulang ko, nagkaroon, nawala ulit, at muling bumangon. Pero yung rally? Wala, wala akong naramdaman. 

Mahirap itanim sa utak at puso ko yung mga nangyari noong Pebrero 1986. Hindi ako naalipusta ng naghaharing uri at lalong hindi ako nakaramdam ng pagsita sa aking kalayaan. So may essence ba sa akin ang selebrasyon ng EDSA? (Sensya na, isa lang ang People Power para sa akin), ewan, basta parang naghirap yata ang bansa pagkatapos nito. 

Pero teka, may pinaglalaban sila nun di ba? Teka lang, may gusto silang iparamdam sa susunod na henerasyon, may gusto silang itanim sa kasaysayan! 

Lagi kong naririnig yung kalayaan sa pamamahayag

Oo, may kalayaan sa pamamahayag ng damdamin. Simple lang ba? Pero kapag tinanggal mo ito sa sistema natin ngayon, malamang eh pupunta ka agad sa EDSA. Hahayaan mo bang matapakan ang karapatan mo? Hindi di ba? Minsan kasi mas naniniwala pa tayo sa memes kesa sa mga magulang natin.

Uulitin ko yung sinabi ko dati, sino ba ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito? Yung nakipaglaban na namatay para sa pagbabago o yung buhay na nagtatamasa ng pinaglaban nila na hindi ito pinagpatuloy? Sino kaya?

Uupo ka lang ba dyan? Makikipag-away sa Social Media dahil sa paborito mong artista? Ano ba ang magagawa mo? Mag-rarally ka ba? Paano? Ano?

Hanggat hindi ka nagsisimula sa sarili mo ay hindi mo mababago ang bansa. Hanggat hindi mo inaamin na may mali ka eh hindi mo makikita ang mali ng Pilipinas. Isa lang naman talaga ang kalaban natin eh, sarili nating anino.

Ipagpapatuloy mo ba ang pinaglaban na karapatan, kabuhayan, kalayaan at katarungan ng EDSA? Sana oo, kasi kung hindi, eh para mo na ring dinuraan sa mukha yung kasaysayan natin. Kasaysayan na nagbigay sa atin ng tinatamasa natin ngayon. Kasaysayan na naging mapait pero nagbibigay pag-asa sa atin. Kasaysayan na madalas nasa harapan natin pero pilit tayong tumitingin sa iba. Tingala kasi tayo ng tingala eh hindi tayo tumitingin sa daanan natin, nadadapa tuloy tayo.

Binabati ko ang lahat ng responsableng gumagamit ng kalayaan sa pamamahayag at lahat ng nagpapatuloy ng pinaglaban sa EDSA. Nasa kamay natin lahat kung magkakaroon ba talaga ng tagumpay ang pangyayaring minsan ay nagbigay ng karangalan sa ating pangalan. Pangalan na minsan ay nakakalimutan nating ipagsigawan.

“We should not depend on one man; we should depend on all of us. All of us are expendable in the cause for freedom and therefore I say stand up now and be a leader, and when all of us are leaders, we will expedite the cause of freedom.”-Ninoy Aquino

#EDSA37 #PeoplePower

the ugly writers

Read previous entries from Alberto C. Colasito at The Ugly Writers:

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Alberto C. Colasito

Alberto C. Colasito

Articles: 6

Leave a Reply