the ugly writers

Supremo 160

Sa araw na ito ay gusto kitang batiin. Kahit na nung pinakita ko yung larawan mo sa mga estudyante ko dati ang sabi nila "Si Apolinario Mabini!" dahil ang akala nilang itsura mo ay yung may itak na nakapang-magsasaka.

Supremo 160 is an editorial piece written by Alberto C. Colasito and shared with The Ugly Writers in commemoration of the Bonifacio Day

Supremo 160

Untitled design (6)

Dear Supremo,

Ngayon ang ika-160 na kaarawan mo. Bukod sa Monumento na parating trapik, Isang pasyalan ng mga sosyal at “kol-senner” tambayan at iba pa, parang di ka na namin kilala. Parang yung sampung piso, dati papel, astig, mukhang malaki ang halaga, tapos ginawang barya. Dun ka na nga lang namin nakikita araw-araw eh lumiit pa. Pero ayos lang kasi meron ako nung special edition mo nung birthday mo last year, hindi ko nga lang alam kung nasan.

Sa araw na ito ay gusto kitang batiin. Kahit na nung pinakita ko yung larawan mo sa mga estudyante ko dati ang sabi nila “Si Apolinario Mabini!” dahil ang akala nilang itsura mo ay yung may itak na nakapang-magsasaka. Pang-masa ika nga.  At gusto ko ding ibahagi ang salitang Gat sa umpisa ng pangalan mo na akala ng iba ay Acronym ng kung anong Spanish word, ito ay nangangahulugang Don, Sir o Senyor na ibinibigay lamang sa mga taong may malaking nagawa sa bayan.  Sa tagalog ito ay “Lakandiwa”, sa Ingles, “Chieftain”, kung di mo pa ma-gets, bahala ka na. Salamat Google.

Badtrip di ba, kaya lang namin nalaman na pinapatay ka ni Aguinaldo ay dahil sa Pulitika noong naglalaban sina Manuel L. Quezon at Emilio Aguinaldo.  Kung di dahil sa kagahaman sa pwesto, hindi namin alam na na-tsugi ka ng sarili mong kababayan.  

Marami pa akong gustong itanong sayo at sabihin, pero syempre di maaari yun.  Alam ko malaki ang naitulong mo sa bayan.  Madaming mali sa kasaysayan natin na dapat itama.  Ang kasaysayan ay isinusulat lang ng nagwagi (wag kang ma-elibs, tinagalog ko lang yun) at marami pa kaming hindi alam tungkol sayo.

Hindi talaga patas no? dapat thursday ang walang pasok eh, para mas feel namin yung birthday mo. Kaya lang eh mas mahalaga nga yata ang long weekend sa lipunan natin ngayon kesa sa kasaysayan. Sorry na. 

Ang saya di ba? da best! pero ayos lang yan, basta Maligayang Kaarawan sayo. Hindi man patas ang naging paglilitis sayo, hindi man kumpleto ang impormasyon namin, nagkaroon man ng dagdag-bawas sa mga pangyayari sa buhay mo ay naniniwala pa din ako na ikaw ang Unang Pangulo ng Pilipinas.  Wish ko lang na sana nung panahon na ginagawa yung mga gusali sa paligid mo sa Monumento na naglalakihan ang mga billboard, Grocery Store at Motel, sana, SANA MAN LANG may nagsabi din na “Hoy! may bayani dito!” na parang ginagawa nila ngayon sa SMDC o DMCI ata yun sa Luneta (yung nasa likuran ni Pepe). 

Salamat Supremo, Buti na lang nalaman ko ang dahilan kung bakit may tula dati na: 

“Andres Bonifacio, atapang a tao, 

a putol a ulo, hindi a takbo, 

a putol daliri, hindi a takbo

a piga a kalamansi, a takbo a tulin”

HBD ulet

-AC

the ugly writers

Read previous entries from Alberto C. Colasito at The Ugly Writers:

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Alberto C. Colasito

Alberto C. Colasito

Articles: 6

Leave a Reply