the ugly writers

Mata

Sabi nga nila sa mundong ito, Meron nagkalaan para sa atin, Merong para talaga sayo

Mata is a tagalog poem written and shared by Cesar Banaag Jr., and shared with The Ugly Writers under the theme Creating Sparks for the month of December

Tuwing gabi ay lagi kitang na-aalala,

Mga mata’y hugis bilog na tila ay buwan,

Habang ito’y nagniningning na parang tala,

Ang ganda mo’y umaabot sa kalawakan.

Sabi nga nila sa mundong ito,

Meron nagkalaan para sa atin,

Merong para talaga sayo,

Pero bakit kailan mo pang hintayin?

Wag na nating patagalin ang lahat,

Kung ako nalang ang iyong ibigin,

Mamahalin pa kita ng tapat,

Bakit kasi hindi nalang ako ang piliin.

Sinasayang mo ang ‘yong kagandahan,

Kung pinapaluha’t pinapaasa kalang,

Hayaan mong ika’y alagaan,

Upang sa tuwing ika’y umiiyak ay matahan.

Hindi kita hahayaang masaktan,

Habang buhay kitang papahalagahan,

Kaya ko ito sabihin sayo ng magkatitigan,

Upang malaman mo aking nararadaman.

Utak

Read more from Cesar Banaag Jr.‘s previous entries with The Ugly Writers:

Utak
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Cesar R. Banaag Jr.

Cesar R. Banaag Jr.

Articles: 6

Leave a Reply