the ugly writers

Tahan Na

Huwag kalimutang ikaw  ay may itinatagong yaman at ganda Sa tamang tao wala ng dapat patunayan pa

Tahan Na is a tagalog poem written by Julie Ann Baynosa and shared with The Ugly Writers under the theme Master of my Fate, Captain of my Soul for January

Ang tulang ito ay para sa mga pinipiling maging matapang sa araw-araw na paglalakbay patungo sa paghilom ng puso. Alam kong hindi madali, pero alam kong kaya ‘nyo itong ipanalo sa dulo. Mabuhay kayo! ☺️💪

Tahan na

Pagkat panahon ay handang damayan ka

Handang intindihin ang mga takot na mayroon ka

Hindi kailanman babalewalain ang iyong nadarama

Sa ngayon pagtiwalaan lang muna 

Ang prosesong sa’yo’y nakahanda

Tahan na

Huwag mawalan ng pag-asa

Dahil puso mo’y karapat-dapat sumaya

Sa lahat ng sakit ay lubusang makalaya

Tahan na

Huwag kalimutang ikaw 

ay may itinatagong yaman at ganda

Sa tamang tao wala ng dapat patunayan pa

Ikaw ay laging sapat o maaring higit pa

Tahan na

Pasasaan ba’t maghihilom rin

ang sakit ng mga alaala

Maiintindihan mo rin kung bakit

sa ngayon ay kailangan mong mag-isa.

Check out Ms Julie Ann Baynosa on Instagram as @juliewritesofficial

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Julie Ann Baynosa

Julie Ann Baynosa

An aspiring author from Cagayan De Oro City.

Articles: 10

Leave a Reply