the ugly writers

Muni-Muni: Usaping Pag-ibig

Malaking kabaliktaran sa mga isinusulat kong tula patungkol sa pag-ibig na puno ng pagmamahal at pag-asa, dahil ang totoo, takot ako na masaktan, at takot ako sa isiping magmamahal ulit ako.

Muni-Muni: Usaping Pag-Ibig is an essay written by Julie Ann Baynosa and shared with The Ugly Writers under the theme Intrusive Thoughts for the month of May

Paghilom at muling pagtitiwala. Tinitignan ko lang dati na parang isang lugar at estadong mahirap abutin. ‘Yung tipong masaya ako sa nangyayari sa buhay pag-ibig ng mga taong nakapaligid sa akin pero di ko magawang maniwala na balang araw magkakaroon din ako ng sariling kwento at happy ending.

Malaking kabaliktaran sa mga isinusulat kong tula patungkol sa pag-ibig na puno ng pagmamahal at pag-asa, dahil ang totoo, takot ako na masaktan, at takot ako sa isiping magmamahal ulit ako. ‘Yung literal na napapaatras ako kapag alam kong posible akong mahulog sa isang tao.

Minsan, natatawa nga ako sa sarili ko, dahil sa usaping pag-ibig, na kukumpirma ko na manunulat nga talaga ako dahil ang galing kong gumawa ng kwento.

Pero nitong mga nakaraang araw, napaisip ako sa sinabi ng isang kaibigan.

“Baka masyado kang hard sa sarili mo kakaisip at kakaiwas mahulog sa maling tao. Baka kailangang may gawin ka na sa mga bagay na ikinakatakot mo.”

Ayun, matagal bago ako nakasagot. Kasi deep inside, I wanted my heart to be found again. And I realized, minsan kailangan lang pala natin tanggapin ang proseso ng puso sa mga bagay-bagay hanggang sa dumating na ang para sa atin sa tamang panahon.

Check out Ms Julie Ann Baynosa on Instagram as @juliewritesofficial

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Julie Ann Baynosa

Julie Ann Baynosa

An aspiring author from Cagayan De Oro City.

Articles: 10

Leave a Reply