Ikaw ang dahilan
Ikaw ang pinagmulan
Ngiti sa aking mga labi
Pag ikay nasa aking tabi
Nangangakong magtatapat
Na ikaw lamang ay sapat
Ito ang aking panata
Sayo aking sinta
Malayo man ang pagitan
Iyong pakatandaan
Pagmamahal ko sayo’y
Hindi mapapantayan




