

Paano natin isusulat ang mundong walang kasiguraduhan? Sa pagitan ba ng bawat linya ay paiibigin ko ang aking letra? At nang mapunan nito ang mga espayo, Upang makabuo ng liriko at melodiya ng pagmamahal. Paano natin sisimulan ang isang pangungusap…
Ito ay hindi tula. Isa lamang itong kathang kinapalooban ng mga salita. Ipinagitan sa bawat linya at akda. Inipit sa lalim ng isang dula. At sa huli’y iginapos sa gitna ng kawalan at kalawakan. Ito ay hindi tula. Ito ay…
Isusuko kita. Sa gitna nang madilim na kalawakan. Sa ilalim ng mga bituin at buwan. Maging sa pagitan ng araw at ulan. Pati na rin sa kalmadong karagatan. Isusuko kita. Gamit ang taglay na letra ng bawat pahina, Ng libro…
May aaminin ako. Mahal kita. At mula sa dalawang salitang ito nabuhay ako. Nabuhay ang pagkataong kinain ng kawalan at naipatianod sa kalawakan. Sumibol ang laman at kalamnan ng ‘di kasiguraduhan, At namatay ang nasirang kakuluwa na dulot ng sangkatauhan.…
Ito ang una’t simula. Hindi ang simula ng isang kwento o tula. O ng unang letra sa isang prosa o kakaibang akda. Hindi ito simula ng isang talata o grupo ng mga salita. Ito ang una’t simula. Subalit hindi ito…