Mas pipiliin ng kanyang laman at kalamnan na tikman ang panandaliang pighati subalit mas makapagpapalaya sa sakit na kanyang nararamdaman. Mas nanaisin niyang wakasan ang bawat mapapait na alaala kaysa harapin ang mga susunod na ihahain sa kanya ng mundo.
Isa na lang, isang beses pa Bago mo tuluyang lisanin ang mga pinagsaluhang tuwa at luha Baka maaari pang pag-usapan, hindi ganyang lagi kang tulala O kayay tatawa, pagdaka’y iiyak Ano ngayon ang kahulugan ng katinuan? Gayong pilit mo itong…