Please lang, wag mo na akong balikan...
Kasi marupok lang ako pagdating sayo...
Basta ikaw walang matatag na ako...
Sunod agad amu-amuin lang na parang aso...
Mapalad ang mga taong masayang magdiriwang ng kapaskuhan,
Ngunit mas mapalad ang taong kayang magbahagi at handang tumulong,
para sa tunay na diwa ng pagmamahalan.
Karanasan niyang dinanas ay walang bisa
Ngunit sa tulong ng nag iisa
Sa tulong ng walang iba kundi ang sarili niya
Pag tingin sa sarili niya ay gumanda
Sa bawat tinging nanghuhusga, ako'y lalong lumulubog.
Bawat komentong naririnig, puso ko'y nadudurog.
Saan at kailan ang aking hangganan?
Kung kitilin itong buhay, Poon ako kaya'y Inyong maintindihan?
Mga palakol o bagsak na grado ang aking hinatnan.
Ngunit hindi diyan nagtatapos ang aking laban, at muling lalaban.
Ginawa ko itong aral upang mamulat sa realidad.
Sumilay sa labi ko ang ngiti
Ito ang bagay na nuo'y aking minimithi.
Naalala ko pa kung pano ito hawakan
Kung paano ang bagay na ito ang aking naging insperasyon at sandalan
Nakakalungkot isipin na sa ating pagmamahalan, ito na ang huling yugto.
Pero mahal ko, salamat dahil sinindihan mo ako. Binigyan mo ng init ang aking nilalamig na puso.