the ugly writers

Casa la Cuenta

  1. Tara, pumasok ka,
    huwag nang mahiya.Kamusta ang paglalakbay,
    Malayong hindi ka nilisan ng lumbay,
    nagbalik ka’t may hatid na yakap,
    binabaha ang mga nanghihinang talukap,
    galak sa bawat sulok nitong tahanan,
    mahihinuha kung iyong pagmamasdan,
    ibabahagi ko ang mga kwentong nagdaan,
    ipahinga ang sarili at ako’y pakinggan,
    nagsimula nang magmahal ang ina,
    sumunod naman ang mapagmahal na ama,
    kalaunan ay sulpot ni kapatid,
    kaisipang busabos sa akin ay pumapatid,
    ligayang namumukod-tangi ang bumabalot,
    pamilyang himbing mula sa salot.Uminom ka muna nang maginhawaan,
    pasensiya sa mga parteng kawayan,
    tumuloy tayo sa kung kailan ang kaarawan,
    engrande sa upuang kahoy, sinaunang patungan,
    nakaarkong mga labi ang ganap,
    akong gitna sa libong alapaap mahahanap,
    isa, dalawa, tatlo, wala na’ng lahat,
    kumapit pa at baka mahulog sa hiwang balat,
    bibilang ako hanggang mabilanggo,
    bitawan ang mga kamay na nagdurugo,
    sa likod ng mga rehas lahat ay ginawa,
    pagsulat, pagkanta sa mga ligaw na tula.

    Nene, kumakalam na ang iyong sikmura,
    iinitin ko lang ang pagkaing maayos pa,
    panatag nang ika’y nanatiling nakatayo,
    palaging hugot ang pusong hindi na kumpleto,
    kapatid, bakit ka ganiyan?
    tila demonyo sa bawat araw na nagdaan,
    Mama, paano na ako?
    tila bulag sa aking buong pagkatao,
    Papa, hindi po,
    kailanman ako’y hindi nagloko,
    maawat man lang sa mga katagang nakaloloko,
    hindi lahat ng kamalian ay kabilang ako.

    Tinahak ko ang daan patungo sa banyo,
    ibinuklat ang ilang tupi ng papel milenyo,
    umukit sa balat ang tanging rekado,
    nag-iisang sangkap sa munting luto.

    Nilakad ang malubak na daanan,
    siyang tahimik at may pinakikiramdaman,
    “Ayos ka lang ba?”
    Tanong ko sa kaniya,
    katahimika’y nanaig sa malawak na kawalan,
    pinagmasdan ko siya sa bawat hati,
    sumisigaw ng sopistikadong kalidad dati,
    itong salamin sa harapan ay sampal,
    wasak sa lahat ng direksyong may mga tapal.

    Salamat sa lahat,
    pasensiya kung ako’y malat.