the ugly writers

Nung bata pa ako

Kaya pala nung nagsisimula akong magturo ay patungkol palagi sa management ang mga suggestions ko sa mga nasa authority. Kaya pala pati strategy ng trainings ng teachers, programs, projects, activities at kung anu-ano pa eh yun ang hinahanap ko at nakikialam ako.

Nung bata pa ako is a tagalog editorial piece written by Alberto Colasito and shared with The Ugly Writers under the theme Stuck with Memories for the month of October

Nung bata pa ako

Untitled design (1)

Nung bata pa ako eh hindi pa klaro ang mga plano ko sa buhay. Maski sa libangan, mahilig lang akong manuod ng wrestling at magbasa ng comic books. Kaya nung high school ako ay gusto kong maging wrestler o kaya ay kumuha ng fine arts para makagawa ng comic books o kaya ay maging journalist/reporter/photographer (dahil journalist/reporter si Superman at photographer si Spiderman).

Nung nakikinig ako minsan ng isang podcast sa spotify ay pinag-uusapan ng mga hosts yung kailan nila nalaman sa sarili nila na gusto nilang maging stand-up comedian (The Koolpals). Nag flashback sila sa hanggang nung mga bata pa sila, na isa itong “passion” para sa kanila. So ako, nag-isip, dahil isa akong titser, ito ba yung gusto kong gawin dati pa? Sa kabila ng alikabok ng chalk, init ng paligid at pagkalunod sa ingay ng mga bata, ito ba talaga yung “gusto kong maging?”. Ito ba yung passion ko?

So nag flashback din ako. Naalala ko yung isang scenario nung Grade 4 ako. Nasa unahan ako ng klase, nakatingin ako sa labas. Iniisip ko na yung monsenyor namin ay umiikot at tinitignan ang bawat classroom. Nagmamano ang mga bata, kinakausap ang mga teachers sa kahit anong bagay just to make them feel na nandun sya as a leader ng isang catholic school (HCCS; 1996), sinasabi ko sa sarili ko na “ang astig nun”.

Parang ang saya nun, hindi ako classroom teacher pero nagtatrabaho ako sa isang eskwelahan, pinaplano ang lahat ng dapat ayusin at iba pa. At dahil nasa catholic school ako ay inisip ko na maging pari na lang ako. Pero gusto ko kasing mag-asawa, kaya hindi pwede. Basta nasa utak ko magiging pari ako nun.

Nung binabalikan ko yung mga pinagdaanan ko ay naisip ko na hindi yung pagiging isang pari ang pinapangarap ko, maging isang lider ng isang eskwelahan! Yun pala! hindi yung title, yung responsibilidad!

Kaya pala nung nagsisimula akong magturo ay patungkol palagi sa management ang mga suggestions ko sa mga nasa authority. Kaya pala pati strategy ng trainings ng teachers, programs, projects, activities at kung anu-ano pa eh yun ang hinahanap ko at nakikialam ako.

At minsan ay dumarating din ang panahon na napapagod ako, sa lahat. Madalas, naliligaw ako sa mga tinatahak kong landas. Na minsan, iniisip ko na: “hanggang saan ba to?” “ano next?” “ito na yun?”

At kapag nakakaramdam ako ng pagkawalang gana at pagkaligaw, ay pilit kong inaalala at pinapakinggan yung munting tinig nung Grade 4 ako. Sinasabi sa sarili na “ang astig nun” at pinapangarap na maging isang katotohanan ang lahat. Na isa akong lider sa isang eskwelahan. Na ako ang responsable sa lahat. As in lahat.

Siguro darating yun. Dahil alam ko sa sarili ko na mas matimbang na gusto kong matanggap ang responsibilidad kesa yung titulo. Saan man ako dalhin neto.

Basta ang astig lang. Akala ko wala, pero may koneksyon pala sa pagkabata ko yung gusto kong tahaking landas.

Ikaw, may munting tinig din bang pilit kumakausap sayo pag napapagod at naliligaw ka na? pakinggan mo, baka alam na niya dati pa yung tatahakin mo, na-distract ka lang.

Read previous entries from Alberto C. Colasito at The Ugly Writers:

the ugly writers
the ugly writers
Alberto C. Colasito

Alberto C. Colasito

Articles: 6

Leave a Reply