Default Image TUW 2020

Diary ng Stroke

Diary ng Stroke

Nung una, nakakatawa, andami namang walang kwenta dyan bakit ako pa?
Hemorhaggic stroke, ano ba yun?
Basta hindi ako makakilos ng maayos, ganun…
Andami kong gustong gawin pero ayaw sumunod ng katawan ko…
Ayaw ko ng mag-isip para sa sarili ko…
Para akong ibinaon sa buhangin ulo lang ang nakalabas…
Hindi naman ako bulol pero pati pangalan ko hindi ko mabigkas…
Andaming test sa hospital, andami-daming dinaanan…
Buti nalang di ako iniwan ng aking kasintahan…
Halos di ako kumain sa hospital kasi marumi ang palikuran…
Ayokong kumain kasi baka dun pa ko abutan…
Nagulat lang ako nung sinabi ng doctor na kailangan operahan ako…
May blood clot daw kasi ako sa ulo…
“wag mo kong pabibiyak hindi ako daing. “. Sabi ko sa jowa ko…
Walang nagawa ang mga gago, di natuloy ang plano…
Tapos umalis si doc ngiting aso lang…
Pagbalik nya kinabukasan sabi nya, “oh, buhay pa yan?
Gusto kong sapakin sa mukha pero wag nalang…
Sabi nya, “sigurado matatagalan yan…”
Pang limang araw ata yun nung nilagnat ako…
Dapat nun uuwi na ko…
Inabot pa ako ng pang-anim at pang-pito…
Pero nakalabas din sa ayaw nila at sa gusto…
Dun sa bahay ng jowa ko ako dumiretso…
Napakahaba ng mga kwento kung iisa-isahin ko…
Basta maraming nagbago…
Mga bagay-bagay pati mga tao…
Tapos Andaming gamutan, andami ring utang…
Sabi ko baka magsawa jowa ko ah, dapat na tong tigilan…
Nag-apply sya sa spain, dun ako Kinabahan…
Pupunta raw sya sa tita nya kaya ok lang…
Magtatrabaho daw sya para saming dalawa kaya sya mangingibang bayan…
1year 5months and 17days mula nung nagkasakit ako umalis sya…
Ako naman sa palawan napunta…
Andami kong pinagdaanan Andaming aberya…
Pili lang ang kwento ko sa kanya kasi gusto ko masaya sya…
Ang hirap pala ng long distance tapos may sakit ka…
Lumalaban ka habang ang isa binebenta…
Ayoko sanang umasa sa pagbalik nya…
Pero kasi nangako sya…
“mangingibang bayan ako para sa future nating dalawa…
Magiipon ako, magpagaling ka”…
Naniwala ako run para akong tanga…
Sakto 1year 2months and 8 days mula nung umalis sya, sinabi nya…
“sorry, hindi ko sinasadya, wala namang iba, siguro bigla lang akong nagsawa… ”
Mas nakakatawa pa sa alamat ng hahaha…
Hindi ka naman magsasawa ng bigla kung wala kang iba…
Iniwan mo ko ng ganun kabigla
Tapos sasabihin mo lang pasensya?
Ngayun alam ko na kung bakit sakin to ibinigay…
Noong bitawan mong bigla, saglit lang akong nalumbay…
Kinaya ko lahat hindi man lang umaray…
Lahat ng mga nangyari, sakin nagpatibay…
Ngayun malapit ng bumuti ang kalagayan ko…
Konting kembot nalang konting padyak nalang to…
I am the ultimate survivor sa laro na to…
Para akong si Eugene yung stroke si taguro…
Nakakatawa lang kasi nung naestroke, married ang status ko…
Ngayung pagaling na single na ako…
Nakakatawa pramis, kahit kanino mo ikwento…
Pero seryoso yan pag sinimulan mo ang kwento sa paglaban at pagsuko…
11years 5months and 6days, akala ko nga forever na tayo…
Ang galing lang, napagod ka sa panahong walang-wala ako…
Ang tangi ko lang pinanghawan nun, ang mga sumpa mo…
Antanga ko para maniwala ulit sa mga pangako…
Nakalimutan ko yata noong tao Karin pala…
Madalas nagkakamali at madalas nadadapa…
Walang totoo sa mga sumpa…
Pero pinili ko paring maniwala, hindi parin ako nadadala…
Ang galing-galing lang ng timing…
Alas singko ng madaling araw, sakto pagkagising…
Malamig na nakipaghiwalay ka sa akin…
Alam mo ba, talagang you’re simply amazing…
Kaya ako si gago hilong-hilo…
Kahit hirap kumilos, bumangon, Naligo…
Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko…
Baka sakaling panaginip lang lahat ng ito…
Pero wala akong galit, wala akong tampo…
Natawa lang ako nung naisip ang sitwasyon ko…
Ang lahat ng nangyari wala talaga sa tyempo…
Kaya muntik nanamang mapaIngles, “put tang in a Moo… ”
Pero syempre di ko ginawa…
Nag-isip nalang ako habang nakahiga…
Para lang naman akong nasapak ng paulit-ulit sa mukha…
Masakit pero di mo kamu sinadya…
Nagpapasalamat pa nga ako sa pag-iwan mo sa akin…
Hindi ko babaguhin ang kwento kahit ulit-ulitin…
Nagulat lang ako kahit di likas na magugulatin…
Natawa rin, parang nung nagpaalam si Rizal kay Huling…
Marami ring nabuong kwento sa mahigit isang dekada…
Para lang maglaho at pagsawaan mong bigla…
Marami ng nangyari, marami ng nagawa…
Pero lahat-lahat nawala noong nagsawa kang bigla…
Andami nating pangarap para sa ating dalawa…
Ganun ba talaga pagnagkasakit ang isa?
Pagpinaglayo ng panahon at tadhana…
Walang rason-rason, bigla-biglang magsasawa?
Dapat alam mo ang mali sa tama…
Nangyari yun kasi wala kang ginawa…
Akala ko kasi akin ka na talaga…
Matagal pala akong nabuhay sa maling akala…
Dati ay nasa taas at hindi bumababa…
Para makita ako kailangan mong tumingala…
Lahat ng pinaghirapan kong binuo ay nawala…
Pero wala akong sinisisi kung sino

0 0 vote
Article Rating
Default image
Dhudz Delfin
Subscribe
Notify of
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
mico magtira

Mico Magtira, INF 193, Art Apprecition,Moment, MQ2

Ken Zyrus Itulid

Ken Zyrus Itulid, INF 193, Art Appreciation,Moment, MQ2

Kevin Sta. Maria

Kevin Paul Sta.Maria, INF 193, Art Appreciation,Moment, MQ2

3
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x