the ugly writers

Makata

Lungkot nalang ang nararamdaman Bahagyang babalik sa nakasanayan Mga alaala kusa na munang bibitawan Walang sinumang sisisihin sa pagbitaw mo

Makata is a poem written by Xabrina and shared with The Ugly Writers

 

Makata

 

the ugly writers

Mahal

Sa minsan pagkulay sa pininta

pakiramdam ko’y ayaw muna

Sarili’y moy mas piniling mapag isa

Paglayo ang sagot sayong pagkabalisa

Tumigil na ang hangin na dumampi

Pusong masaya biglang humapdi

Alapaap ay napupuno na ng ulan

Lungkot nalang ang nararamdaman

Bahagyang babalik sa nakasanayan

Mga alaala kusa na munang bibitawan

Walang sinumang sisisihin sa pagbitaw mo

Sadyang may katapusan ang lahat ng kwento

Pipigilin ang pag patak ng luha saking mata

Aalalahahin siguro muna ay ang masaya pa

Hangang dahan dahan mabura ang mga letra

Hangang isip matapos na ang pagsulat sinta

Ibibigay ko ang kalayaan ng isip mo

Di pipigilin ang kasiyahan na gusto

Mahal kita at minahal kita ng buong buo

Minahal moko pero sa parteng may pagsuko

Xabrina
Xabrina

Sad And Happy

Articles: 2

Leave a Reply