Mag-aapat na dekada ng EDSA is a poem written by Alberto C. Colasito and shared with The Ugly Writers in commemoration of the EDSA People Power

Nararamdaman pa kaya ng Lipunan ang diwa ng EDSA?
Sa loob ng tatlumpu’t siyam na taon, may kilig pa rin ba at hiwaga?
Natatabunan na ba ng mga isyu at pagpaparaya?
O sadyang tinatakpan upang gumanda ang pananamantala?
Ilang henerasyon na rin ang dumaan
Ilang administrasyon na ang pumilit mag-arimuhan
Hindi pa rin natin dapat kalimutan
Ang mga biktima na itinapon sa damuhan
Bawat hataw, bawat dugo, bawat pagtulo ng luha
Dulot ng proklamasyon ng isang diktadura
Lahat ng ito ay nagtapos sa gitna ng EDSA
Tatlumpu’t-siyam na taon na ang lumipas at ipinagdiwang ang pagkaka-isa
Hanggang ngayon ay may mga nawawala
Hanggang ngayon ay mayroon pa ring naniniwala
Sa isang panig, sila ang biktima
Sa kabila, sila ang tama
Nararamdaman mo ba ang hirap ng bayan ngayon?
Dahil yan sa ginawa nilang paglapastangan sa kahapon
Sugatan si Pinas, ang EDSA ang band aid solution
Ang masakit, matibay pa rin ang isipan ng mga rehiyon
Mula noon hanggang sa kasalukuyan
May mga Desaparecido pa rin sa kawalan
Hinihintay na makamit ang hustisya dulot ng paglaban
Sa isang diktadurang sinasamba ng karamihan
Nakakalungkot, isa itong pagyurak ng kasaysayan
Ang unit-unting pag-alis ng kahalagahan ng EDSA sa ating Lipunan
Tatanggapin pa rin ba ito ng karamihan?
O kakalimutan din, at hindi na muling babalikan?
Ano sa tingin mo?
-A








