Pagbabasa ng Dagat, Pagbabasa sa Dagat

Basahin natin ang dagat, mahal,

ngayong ang bawat alon

ay asul na pahinang paunti-unting

tumitiklop patungo sa baybayin.

Itong kabanata ng dagat

kung saan naglalayag, namamangka

tayo sa mga posibilidad

kahit na walang sagwan.

Niyayakap tayo ng pintig

ng mga along tinutupi natin

at hinahandugan ng mga talulot

ng diwatang pulang rosas.

Binabasa rin kaya tayo ng dagat,

nauunawaan kaya nito kung bakit

may mga islang pinipiling

maging bahagi ng isa pang isla?

Leave a Reply

Latest

vincere Christos pherein
hour glass

vincere Christos pherein

December 2, 2025
Rain
u1111-rain

Rain

October 6, 2025
Kung Pwede Lang Sana
Asian female student studying alone

Kung Pwede Lang Sana

September 15, 2025
When Winter Ends
End of Winter

When Winter Ends

September 12, 2025