Saging Queen – Birit Queen

Ako nga pala si Malena, dalawampung taong gulang. “Saging Queen” kung tawagin sa amin, “Birit Queen” naman ang palayaw ng iba. Isa kasi sa pamamaraan ng pagtawag ko sa aking mga suki ay ang pagkanta. Naaaliw kasi sila madalas ‘pag naririnig nila akong kumakanta.