Default Image TUW 2020

Nahanap na ba kita o hahanapin pa?

Nahanap na ba kita

or hahanapin pa lang?

Kasi kung nahanap na,

pwede bang stay put ka muna?

Baka hindi ko pa narealize

na mahal pala kita. 

Kung sakaling nahanap na natin ang isa’t-isa,

Nandiyan ka ba dahil

gusto mo ako?

Or wala kang choice

kasi binasted ka nya?

Baka gusto mong mag-isip isip,

kasi ang totoo di ka nananaginip.

Ayoko na ding umasa

sa taong di ko man din kilala. 

Sa pitong bilyong tao,

may pag-ibig pa kayang totoo?

Kung meron man,

Nasaan?

Kelan?

Ganito pa din.

Noon hanggang ngayon.

Nandito ka man or hahanapin ko pa,

Saan man tayong dalawa, sana maghihintay tayo sa isa’t-isa. 

Hanggang mahanap natin ang umaga,

Kung kelan merong tayo.

Kung saan tayo totoo.

At nagmamahalan ng buo. 

Pero hiling ko lang ngayon,

Hanapin mo muna ako.

Kasi napagod akong maghintay sayo,

Na darating ka kahit man lang sa panaginip ko. 

Kaso…kahit dun mag-isa ako.

Nahanap na ba kita?

O hahanapin pa?

0 0 vote
Article Rating
Default image
The Poetess
Erratic. Playful. Poetic.
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x