The Greatest Advice Para Sa Mga May Bangs Na Katulad Mo!

Naranasan mo na bang mahulog? Yung umakyat ka sa puno at nahulog ka!!? Basta kahit na anong puno o hagdan na lang para mas madali sayong bangs Bes. Oo, kahit na ano na lang kasi ang hina kumuha nang signal nung bangs mo Bes, parang internet lang namin eh. Lag pa sa turtle Bes!!! ?

Ohhh, wag kang magagalit kung lag ka pa sa turtle Bes kasi yan naman ang totoo. Ang importante naman ay ang puso mo Bes!!! Kaya nga lablab kita Bes kasi ang laki ng puso mo!!! Mas malaki sa utak mo Bes! Kaya nga nasobra na din kasi pati sa pag-ibig, ang laki ng love mo na to the point na nasasaktan ka na Bes. Yung tipong malaki pa sa Pacific Ocean yung love mo kapag natamaan ka ni kupido. Then yung utak mo is parang mani kalaki. 

Ohh, joke lang yan Bes! Ang magagalit, ay totoo talaga na may utak mani! Heheh. Kalimutan na natin ang utak mo. Pag-usapan natin ng masinsinan yung puso mo Bes. Kasi kelangan na yan nang heart transplant ASAP!!! (Oo Bes, yung ASAP yong paborito mong noontime show sa Linggo! ? Yung tipong papalitan mo lang ng TV yung heart mo. Yon yung transplant, Bes!!! O TB sa Lungs! T.otoong B.angs kaso nasa lungs.)

Uyyy, drop muna natin yung heart transplant kasi mas importanting malaman natin kung bakit si krass ay di ka parin pinapansin. (Walang respeto sa bangs mo, Bes! Batukan mo na!) 

Tahan na. Okey lang yan Bes. 

Ipakulam mo kaya? 

Ayyy, bad yon Bes! 

Gayumahin mo na lang Bes!!! Supportado kita dyan Bes. Sabi sa libro ni Harry Potter ang kelangan mo lang is ipainom mo yung bangs na tumutubo sa kilikili mo sa isang mainit na basong tubig. Ipainom mo kapag masakit ang tiyan kasi kapag masakit ang tiyan ng isang tao, umiinom yan ng anu-ano basta lang mawala ang sakit ng tiyan nya. Sabihin mo epektib sa sakit ng tiyan. At kung magtanong talaga ano yung pinainom mo, sabihin mo espresso galing Starbucks. (Dapat praktisan mo yang mabuti yung pagkasabi sa espresso Bes. Dapat di magtunog PRISO! Baka malaman nya ang totoo at maipakulong ka talaga Bes. Hala ka nyan! E-WHO YOU talaga kita! ?)

Kung hindi madaan sa santong dasalan o paspasan yung lablyp mo Bes, ipa-tokhang na lang natin krass mo Bes!!? Ano sa tingin mo? Para patas yung labanan, wala ka nang mamahalin at wala din siya kasi pinatay mo Bes, hala ka!!! (E-unfriend kita agad nyan Bes.)

Kasi di ka nya kayang ipakulong sa bisig nya, ikaw nalang ang magpakulong sa selda! Carry mo yan Bes?!? Diba hindi!? Kaya move-on Bes!

Teka nga Bes, kahapon mo lang nakilala si krass ah! Ambilis mo naman nahulog, nagmahal, nasaktan at nasawi. Sakit sa bangs yung kalandian mo, Bes! ?✌️

(Tse! Wag mo kong awayin Bes! May matres ako, ikaw?!? Wala! Wala! Wala! Akala mo lang meron! Pero wala! Wala! Wala!)

The Poetess
Erratic. Playful. Poetic.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of