Sa aking pagtalikwas 

Marahil isa ito sa mga bagay na mahirap gawin ngunit ano nga ba ang aking magagawa? Tila panahon at kapalaran na ang siyang nagpapahayag na daralita na ang pagtalikwas natin sa isat’ isa. 

Sa loob ng mahabang panahon nabuhay ako na ikaw lamang ang mundong ginagalawan, kasabay kitang humihinga na para bang ang ating puso at diwa ay iisa. Tanong sa may kapal anong dumatal sa ating dalawa akala ko tayo ay iisa. Ngunit dumating ang araw na ito na aking tinatanong sa sarili kung ako ba ang may kadahupan o ikaw ang siyang hindi lumaban. 

Mahirap, Masakit at Halos aking ikamamatay ang pagpapasiyang pagtalikwas ngunit ano nga ba ang mamarapatin? Ang pagtangan ng mahigpit sa ating mga paghamok habang pinagmamasdan ang pagmamahalang unti unting inuupos ng di pagkakaunawaan o ang pagtalikwas sa isat’ isa habang meron pang natitirang pagmamahal na siyang magagamit upang makapagsimula ng panibangong buhay na tatahakin kapag lumisan na ang isat’isa. 

Ang aking pagtalikwas ay siyang papawi sa bawat dili-dili ng ating pagkakaugnay. Ang mga daiti ng iyong mga kamay sa tuwing mangungulila sa iyong mga yakap. Ang bintana ng iyong kalooban na pinagmamasdan ang bawat ngiti sa aking mga labi. Ang pagpunas mo sa aking mga luha sa tuwing tatangis ang damdamin. Lahat ng iyon ay aking tinatalikwasan dahil iyon lang ang alam kong paraan upang makalaya at matutong mabuhay ulit.
***
If you loved this poem, please hit LIKE and subscribe!

Eclipsis Lunae

1
Leave a Reply

Please Login to comment
1 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
1 Comment authors
Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Anonymous
Guest
Anonymous

like this poem.

Israel Falcotelo