the ugly writers

XI. Alak

Subalit hanggang kailan ba magiging sagot ang alak sa lahat ng mga tanong at bakit?

Buti na lang, alak ang laging sagot.

Isang tagay.
Sa tuwing nasasaktan o may nais kalimutan.
Isang tagay.
Para sa pira-pirasong pagkatao.
Isang tagay.
Para sa hindi mabilang na bahagi ng puso.

Buti na lang may alak.

Subalit hanggang kailan ba magiging sagot ang alak sa lahat ng mga tanong at bakit?

“Bakit ba kita mahal?”
“Bakit ba kita minahal?”

Lalagok at muling magtatanong sa sarili.

“Bakit ikaw pa rin kahit ang sakit-sakit na?”

Sa dinami-rami ng mga boteng naubos ko,
Kailanma’y hindi nito nakuhang lasingin ang aking pagkatao.

‘Yong puso ko lamang ang palaging lango sa litro-litrong pagpapakatanga nito.

Kailanma’y hindi ako nalasing,
Lalo na kapag ikaw ang tanggero.

Nagiging mapungay at nagkakaroon lang ng luha ang aking mga mata.

At magtatanong ka, “Bakit?”

Ngingiti lamang ako at sasabihing, “Isang tagay pa.”

Ang sakit-sakit, manhid ka ba talaga?

Hinding-hindi naman ata ako malalasing.

Dahil mas nalalasing pa rin ang puso ko kahit na hindi pa ito nakalalagok o nakatatagay man lang ng pag-ibig mo.

Buti na lang, alak ang laging sagot kapag durog na durog na ang puso ko.

johnkrux

johnkrux

John Krux bleeds poetry. He eats words for breakfast

Articles: 26

3 Comments

Leave a Reply