

Unang pagkikita ay hindi ko makalimutan,
Pagkat kanyang pangalan ay aking nalaman.
Hindi ko maikubli ang aking kasiyahan,
Nang makusap ko siya ng panandalian.
Kanyang mga mata’y kabigha-bighani,
Kahalintulad ito ng isang bahag-hari.
Kalimutan siya ay hindi ko magawa,
Hahamakin ang lahat kahit magmakaawa.
Mga ngiti mo ay binihag ako,
Sa sandaling nag-kausap tayo.
Labis na tuwa ang aking nadarama,
Nang muling makasama at mayakap kita.
Ngunit sa aking paggising,
Napagtanto kong ika’y hindi sa akin.
Ala-ala mo ay lagi kong binabalikan,
Kahit masakit dahil ako’y iyong iniwan.
You must be logged in to post a comment.
At least may ala-ala pa rin.