Resibo

Resibo

Hindi po ako mayaman

Oo nga’t nagtrabaho ako sa dayuhan

Dalawang taong kontrata aking pinagtiisan

Pero hindi ako mayaman

Di gaya ng iba na nakaupo lang ang trabaho

Ako ay katulong sa bahay ng amo

Hawk ko ay sandok at kaldero

Minsan namay naglilinis Ng banyo

Tinitiis ko ang puyat at pagod

Kahit sa gabi hirap makatulog

Tatawag pa sila kahit pahinga na

Hindi mapatahang anak sayo ipapasa

Sarili ay tinitipid

Upang Ang salapi ay maisilid

Sa bulsa Ng pamilya sa kabilang daigdig

Hiling ng mga anak ay madinig

 Noong nasa Pinas sapat na ang salat

Sinasabaw sa kanin ang ulam na kape

Uutang sa tindahan bahay ay katabi

Pangakong ang bayad sa araw ng bali

Subalit ngayon bakit nagigipit

Sahod ko daw bakit iniipit

Gayong wala Naman akodto binibili

Larawan lang Ang sa lungkot pumapawi

Dumating Ang araw ng aking pagdating

 Nakahinga ng maluwag ng sila’y makapiling

Marami silang gusto marating

Mall, sine, Jollibee pati n magswimming

Artista ang tingin ng makita ka

Tawag nila Ang pangalan parang kandedatura

Humihingi Kung may pasalubong Kang dala

Yung iba ngbabakasaling makautang na

Hindi po ako mayaman

Kung meron mang salaping aking pinagipunan

Para sa pamilya Kong naiwan

Pangangailangan nila ilalaan

Hindi po ako mayaman

Oo nga’t ngtrabaho ako sa dayuhan

Dalawang takng kontrata aking pinagtiisan

Pero Hindi ako mayaman

Di gaya ng iba na nakaupo lang ang trabaho

Ako ay katulong say bahay ng amo

Hawk ko ay sandok at kaldero

Minsan namay naglilinis Ng banyo

Tinitiis ko Ang puyat at pagod

Kahit sa Gabi hirap makatulog

Tatawag pa sila kahit pahinga na

Hindi mapatahang anak sayo ipapasa

Sarili ay tinitipid

Upang Ang salapi ay maisilid

Sa bulsa Ng pamilya sa kabilang daigdig

Hiling Ng mga anak ay madinig

 Noong nasa pinas sapat n Ang salat

Sinasabaw sa kanin Ang ulam n kape

Uutang sa tindahan bahay ay katabi

Pangakong Ang bayad sa araw Ng Bali

Subalit ngayon bakit nagigipit

Sahod ko daw bakit iniipit

Gayong wala Naman akodto binibili

Larawan lang Ang sa lungkot pumapawi

Dumating Ang araw Ng aking pagdating

 Nakahinga Ng maluwag Ng silay makapiling

Marami silang gusto marating

Mall, sine, Jollibee pati n magswimming

Artista Ang tingin Ng Makita ka

Tawag nila Ang pangalan parang kandedatura

Humihingi Kung may pasalubong Kang dala

Yung iba ngbabakasaling makautang na

Hindi po ako mayaman

Kung meron mang salaping aking pinagipunan

Para sa pamilya Kong naiwan

Pangangailangan nila ilalaan

Tama resibo itong aming ipon

Bunga Ng trabaho Ng dalawang taon

Kasama Ng paso sa aming ilong

Naglalagas na buhok palad n kalyado

May mapalad n pilipino Doon nagtatrabaho

Napupuntahan nila mababait na amo

Samantala Yung iba ay barumbado

Katulong nila bugbog sarado

 Akala Ng iba ay napakasaya ko

Makinis Ang kutis at mataas Ang sweldo

 Naiinggit sila sa mga ngiti ko

Ang lahat Ng iyon ay Hindi totoo

Isipin mo kapg anak nila ay may sakit

Sa pampublikong ospital Doon nakaadmit

Ang takot at kaba Hindi malaman Kung San isisilid

At tanging sa Dyos lamang kumakapit

WAg sana masamain Ang tulang hinabi

Ng mga salitang Hindi q maisantabi

Na para bang may perang pinatabi

Galit pa sa iyo kapg ikaw ay nagsabi

Hindi ako mayaman

Mildred casim

1 comment so far

Marie Charisse

Hindi naman kasi porket nasa ibang bansa na ang isang tao eh mayaman na agad. Tingin niyo ba gugustuhin nyang mapalayo sa pamilya nila para lang magpayaman? Kumikita lang sila ng sapat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila. Oo malaki sahod doon kumpara sa Pilipinas, pero naisip niyo din ba na malaki din ang gastos nila doon kumpara at dito. Naisip niyo rin ba kung gaano kahirap mapalayo sa pamilya at kung ano ang pinagdaraanan nila don?

You must be logged in to post a comment