Essence of Life

art-catrin-welz-stein

“ESSENCE OF LIFE”

This advocacy, I want to tackle all my thoughts about depression, suicidal incident and LGBT.
  • DEPRESSION

Kaartehan?

sakit ng pang mayaman?

kulang sa paniniwala sa Diyos?

walang nagmamahal?

nalulungkot lang yan?

Iilan lang yan sa mga sinasabi nila kapag nabanggit mo ang depression, Ang depression ay hindi nakakahawang sakit o biglang susulpot lang yan, na dedepressed ang isang tao dahil sa malalim na emotion, dahil sa mga pinagdaanan o karanasan na paulit ulit nanghihila pailalim. Isa ako sa nakaranas at nakakaranas ng depression, yung mapapaisip ka “bakit ba ko nabubuhay?” “ano ng gagawin ko sa sarili ko?” “nababaliw na ba ko?” “bakit walang nakakaintindi sakin?”. iilan lang yan sa mga tumatakbo sa isipan ko. TIWALA, isa sa dahilan kung bakit nakakaramdam ng depression ang isang tao, WALANG TIWALA SA SARILI, WALANG TIWALA SA IBANG TAO, AT WALANG TIWALA SA KAPALIGIRAN. kaya nakukulong sa madilim na silid ang utak ng tao at pilit nagtatago. TAKOT, ang kadalasan nararamdaman nila, TAKOT MAHUSGAHAN NG IBANG TAO, TAKOT MAGSABI SA IBANG TAO, AT TAKOT MAGTIWALA. pero bakit yun mararamdaman ng isang tao? dahil sa mga naranasan niya kaya siya nawalan ng tiwala, dahil sa mga sinasabi ng kapaligiran niya kaya siya natatakot at dahil dun pakiramdam ng taong yun MAG ISA na lang siya, walang nakakaintindi sakaniya, at malaking epekto sa taong na dedepressed ang pagtawanan dahil sa salitang “DEPRESSED/DEPRESSION” .

Hindi mo mapipilit mag sabi ang isang depressed na tao ng mga nararamdaman niya o naiisip niya, Wala ngang tiwala diba? at takot mahusgahan? kaya wag mong sasabihin na nag iinarte ka lang. dahil mas lalo mo pinaparamdam sakanya yung lugmok sa buhay. kung gusto mo makatulong sa isang taong may depression, lagi mo lang iparamdam sakaniya na katiwa-tiwala kang tao, iparamdam mo sakaniya na lagi ka nasa tabi niya, wag mo pipilitin mag sabi, at hayaan mo siyang mag kwento, lagi mo ibigay sakaniya ang balikat mo para masandalan, lagi mo pupunasan ang luha niya, at araw-araw mo bigyan ng mahigpit na yakap para maramdaman niyang hindi siya nag iisa.

  • SUICIDAL INCIDENT

 Suicide? o pagpatay sa sarili. nagagawa lang ito ng isang taong nakaranas ng depression. bakit? dahil pakiramdam niya wala ng halaga ang buhay niya, dahil pakiramdam niya nag iisa na lang siya, dahil walang tao nagmamalasakit sakaniya. sa pagkakataon na to gusto ko ibahagi sainyo ang karanasan ko.

nag umpisa ako mag balak mag pakamatay nung unang taon ko sa highschool, kung ano anong paraan ginamit ko nuon, nag tape ako ng kamay ko sa pulso, at sa bibig ko at nagtakip ng unan hanggang hindi makahinga, pero nung oras na yun hirap na kong huminga hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ko para matanggal yung packaging tape. hindi lang dun natapos, dumating ako sa point na pinag iinom ko yung expired na gamot, may mga antibiotics at iba iba, nung panahon na yun itatapon na yun ng magulang ko pero kinuha ko at sinabi kong ako na magtatapon pero tinago ko yun at ininom ng sabay sabay, pero ang masaklap? nabuhay pa rin ako. madalas akong tumatawid nuon ng hindi lumilingon at nag babakasakaling masagasaan, at marami pang iba. lumaki ako ng ilang taon na sinisisi ko sarili ko bakit pa ko na buhay? bakit ako yung nabubuhay? ni minsan hindi ko tinanggap sarili ko, ni hindi ko mapatawad sarili ko. bakit? kasi may sarili tayong dahilan……

pero lahat ng yun nakaraan na lamang, sa edad ko bente- uno (21 years old) hindi ko aakalain marami na kong naranasan sa buhay, hirap at ginhawa. nung nakaraan taon lang yun ang huling beses ko nag balak mag pakamatay dahil sa sariling dahilanan. pero dahil sa nangyari, ang dami kong naranasan, ang dami kong nakilala, yung mga taong hindi ko inaasahan tumulong at pinaramdam sakin na dapat ako mabuhay. yung mga taong hindi ko kilala, yung mga taong hindi ko aakalain, biglang nasa tabi ko at pilit akong nililigtas. yung mga taong naging paa ko nung panahon lumpo ako.

kaya ito ang mensahe ko sa mga tao nag babalak, GOD LOVES YOU, kahit anong pilit mong gawin, kung alam mo sa puso mo mahal ka ng Diyos, ililigtas ka niya sa kahit anong paraan mo pang gawin. kung dumating man sa isipan mo na maisip mo yan, at mabasa mo itong mensahe ko, tandaan mo, I WILL HUG YOU, at sasabihin kong ” Hindi ka nag iisa, andito ako, andiyan sila nagmamahal sayo, huwag mong hayaan ang isang rason kunin ang mahalagang buhay mo, lahat may katapusan, ano man yang pinagdadaanan mo sa huli may liwanag na dadating, mahalin mo ang sarili mo gaya ng pagmamahal mo sa Diyos, pamilya mo at sa mahal mo, alagaan mo sarili mo at pahalagaan mo sarili mo gaya ng pagpapahalaga sayo ng Diyos.”

para sa mga taong hindi maintindihan, o sinasabing mahina kami, hindi kami mahina, mahal lang namin yung mga taong nasa paligid namin at natatakot kaming masaktan sila ng dahil samin, na maging pabigat kami.

at para sa taong nagbabasa nito, sa taong nakakaramdam ng lungkot at pag iisa, ang gawin mo lang kumuha ka ng isang papel at ballpen, isulat mo lahat ng gusto mong sabihin, ilabas mo lahat ng galit at sakit, at iiyak mo lahat. makakagaan ng loob, at mailalabas mo lahat ng kinikimkim mong sakit. wag ka mawalan ng pag asa, dahil marami tayong lumalaban sa toxic na mundong ito! at gusto ko malaman mong, PROUD AKO SAYO!

  • LGBT

LESBIAN

GAY

BISEXUAL

TRANSGENDER

Dito sa mundong mapaglaro, maraming nagiging maka – Diyos sa tuwing naririnig tong salitang “LGBT”, Laging sinasabing ang nakasaad sa bibliya ganito, ganyan. Sino ba tayo para humusga sa nararamdaman ng isang tao? sa mundong ito napakaraming toxic!!! walang maling magmahal, walang mali kung bakla ka o tomboy ka, hindi yan ginusto ng isang tao, kusa lamang yan nararamdaman. gusto ko lamang ibahagi sainyo ang munting kaalamanan ko, hindi ko sinasabing tama ako o mali ako, ito lamang ay sarili kong pananaw.

maraming nagsasabi na kapag pumatol ka sa babae, tomboy ka. kapag pumatol ka sa lalaki, bakla ka. yan kalimitan sinasabi ng taong hindi bukas sa makulay na mundo.

Lesbian o tomboy, ito ay babaeng may pusong lalaki, at nagkaka gusto lang talaga sa kapwa babae.

Gay o bakla, ito ay lalaking may pusong babae, at nagkaka gusto lang talaga sa kapwa lalaki.

Bisexual, ito ay babae nagkakagusto sa kapwa babae at lalaki, at lalaki nagkakagusto sa kapwa lalaki at babae.
Transgender(hindi ako masyado sigurado dito, correct me if I’m right) ito naman yung mga nagpapapalit ng ari, nagpapatanggal o padagdag ng dibdib.
may iba’t ibang uri ng lesbian. may hard – butch, soft – butch, lipstick lesbian, bi – femme and f to f.
ang Hard Butch, ito yung mga babaeng karaniwan nating nakikita at sinasabing tomboy, ito yung mga bihis lalaki, ayos lalaki, gupit lalaki, at pusong lalaki. ito yung mga babaeng kung kumilos ay parang isang lalaki. ang Soft Butch naman, ito yung mga babaeng bihis lalaki, ayos lalaki, gupit lalaki, at pusong lalaki pero kilos babae pa rin. ang Lipstick Lesbian naman ay babaeng pusong lalaki pero damit at ayos babae pa rin, and Bi – femme naman, ito ay babaeng pumapatol at nagkakagusto sa babae at lalaki. at ang huli ay f to f o kung tawaging femme to femme (female to female) ito ay dalawang babaeng nagmamahalan, kilos babae, at ayos babae pero parehong nagkakagusto sa babae.
para sa mga taong nagmamahal, huwag kang matakot sabihin sa ibang tao kung ano gusto mo o sino ang mahal mo. hindi sila ang masusunod kundi ang puso mo, may karapatan ka, hindi mo yan ginusto at kusa mo lang yan naramdaman. hindi ko kinukumbinsi ang iba na maging isang ganyan, hindi dahil yun ang nakikita niyo, o naguguluhan kayo. hayaan niyo puso niyo ang mag desisyon.
Para sa lahat ng makakabasa nito, sana may maramdaman kayong pagmamahal!
Muling paalala lamang : ito ay sarili kong pananaw, walang tama o mali. ! spread love and happiness!
ENJOY YOUR LIFE.
always remember,
“THERE ARE SO MANY REASONS TO BE HAPPY”
-Khai 🙂

KRIZZIA SANDHIE ABSALON
FIN144

Absalon

2
Leave a Reply

Please Login to comment
2 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
Nicolasa ColetteRoemar Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Roemar
Member

Mental health problems are neither simple as they seem nor easy as they thought so. It is harmful and dangerous not only to the person who has it but also to the people around them. It is somewhat a mutilating virus that eats up a person inside taking over their own mind, take depression for an example. It may be a problem in the part of the mind but it affects everything about the person and definitely affects the overall health of the person, as the functionality of our whole body relies on our mental health.

Nicolasa Colette
Member

[Deniece Irish Nicole R. Macaraig], [CIV191], [Nu Art Appreciation ] and Colors and [MX]