Animnapu’t pitong libong taon na ang nakakalipas
Nang unang marating ng mga sinaunang tao ang Pilipinas
Animnapu’t pitong libong oras na rin ang nakakaraan nang unang nagkrus ang ating mga landas.
At tila ba nasabi mong sulit naman ang layo ng iyong binagtas,
Ang dayuhan ay lubhang namangha sa dalaga.
Pagkat taglay nito ang ganda ng isang diwata.
Kaya naman dali dali syang nag-alay at sumamba sa kanya.
Pinuno nya ito ng malamusikang salita sa gabi’t umaga.
Ika-labing anim ng Marso taong isang libo’t limang daan at dalawampu’t isa nang unang marating ni Magellan ang bayan ng Cebu, maluwag siyang tinanggap dito kagaya ng pagtanggap ko sa pagdating mo.
Ngunit ang dayuhan ay hindi nakuntento, makalipas ang ilang araw ay kinubkob ar ginawa nya itong teritoryo..
HInayaan kita!
Hinayaan kita na sakupin ang ako at tayo ay nagkasundo
Na ikaw ay akin at ako ay iyo
Kasing bilis ng pagtusok ng patalim ni Lapu-lapu kay Magellan ang nagging pagtusok mo ng iyong sandata sa aking katawan. Hinayaan kita..
Magkasama nating nilakbay ang paraiso
Pinakita ang yamang pinakatatago
Nilanghap ang pinakamabangong bulaklak na iyong kinahumalingan
Tinikman ang isang putahe na sayo lang inilaan
Mabilis.. mabilis mo itong nilantakan
Habang painit ng painit ang nagiging labanan,
Pero sa isang iglap ay biglang gumulo ang kwento
Sa pagpasok ng “SIYA” sa ating mundo
Marami ka ng itinago sa aking sikreto
At ang pag ibig na naglalagablab ay unti unti ng nagyeyelo
Minsan nang mabasa ko ang mensaheng ipinadala nya sayo
Na para bang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nakapagpagising sa kaluluwa ko
Dito ko napagtanto na dapat maging handa na ipaglaban ang akinf teritoryo
Dadahil paparating na ang isang delubyo/
Kagaya ng katapangan ipinakita ni Andres Bonifacio
Ay matapang kong ipinaglaban ang TAYO
Binuhos ang lakas sa pakikipagdigma kahit ang kapalit nito’y sugat sa aking pagkatao
Patuloy sa paghabol sa papawalang ikaw kahit na napupuno nan g pilat at paltos ang aking mga paa
Patuloy na kumapit sa salitang MAHAL KITA kahaya ng sama samang pagkapit ng mga tao noon sa EDSA
Pero kagaya ng pag-aagawan ng mga politico sa posisyon
May mananalo at matatalo na naaayon sa iyong desisyon
Naroon ako at nandoon rin siya
Tinignan kita sa mata na may pagbabakasakaling bigyang halaga
Pero hindi ako. Hindi ako ang pinili mo.
Singlakas ng Magnitude 6.1 na tumama noon sa pilipinas noong ika-labing isa ng Agosto ang nagging pagyanig ng mundo ko.
Singlakas ng ulang dala noong Bagyong Yolanda ang luhang idinulot mo sa mga mata ko. At agad akong nilunod nito.
Sana… sana ako na lang. Sana ako pa rin. Sana tayo na lang ulit.. pero wala na. Wala na siya.. NANGIBANG BABAE NA.
Ang dayuhan na minsan ng binaybay ang aking katawan ay wala na
Siguro ay sawa na siya sa samyo ng bataan.
Sawa na sa kweba na minsan na niyang pinasukan
Sawa na rin siguro siya sa ungol ng kahapon kaya’t handa na siyang harapin ang hiyaw ng bukas
Ngunit mahal, bago ka magpaalam nais ko lang malaman..
Ilan pa bang bulaklak ang iyong balak pipitasin
Ilan pa bang pulot ang iyong nais tikman sa iyong pag-alis?
Ilan pa bang kweba ang ‘yong papasukin
Ilan pa nga bang bundok ang iyong tatanawin
Ilan pa bang bote ng coke ang iyong patutumbahin sa iyong pagkauhaw? Ilan pa ba? Ilan pa nga ba sila?
Dahil mahal, handa pa rin akong maghintay
Gaano pa man katagal ang kailanganin mo sa iyong paglalakbay
Maghihintay pa rin ako dito sa dambanang bato
Magbabakasaling.. ang dayuhan ay mapagtanto, na may isang paraisong namumukudtangi sa lahat at sa pagbabalik na ito, muling isusulat ang panibagong kwento ng isang dayuhan na hindi na kailangan pang maglakbay dahil natagpuan na ang lugar kung saan siya nababagay.




