the ugly writers

Pag-Uwi

Hindi ko alam, basta ang sabi 'wag na sa bahay dumeretso. Lahat ng gamit ko nasa mga Nanay na. Pa'no na sila, ang mga bata. Hindi ko din alam. Tsaka na lang pag-uspaan.

Pag-Uwi

 

Hindi ko alam, basta ang sabi ‘wag na sa bahay dumeretso. Lahat ng gamit ko nasa mga Nanay na. Pa’no na sila, ang mga bata. Hindi ko din alam. Tsaka na lang pag-uspaan.

Niyakap ako ng Nanay, sige na anak, magbihis at magpahinga ka na. Hindi ko alam kung ano ang nababasa nya sa mukha ko. Malungkot ba? May luha ba? O wala, blangko? Umakyat ako, nahiga, nakatulog na pala. Hindi ko pa din alam.

Dumaan ang mga araw, tahimik lang ako. Hindi ko alam kung kumusta na ang mga bata. Pero ang Nanay at Tatay, inaasikaso ako. Laging puno ang hapag ng pagkain, pati ref namin, nagsisiksikan at nag-uunahan na pansinin ko ang mga pagkain.

Anim na buwan ang lumipas, bigla na lang hindi makahinga ang Nanay. Kasama ako, nagmadali kami pa-ospital. Wala, comatose na siya. Inisip ko, ano mga ginawa namin nung mga nakalipas na buwan. Lahat nang ayaw niyang gawin dati, aba, nagawa namin. Lahat ng larawan namin sa cellphone ay masaya. Siyam na araw, napagod na siya, napagod na din yata yung makina. Hindi ko alam. Ang palahaw ng iyak sa ospital ay dinig hanggang langit. Yata. Akin pala yun. Hindi ko alam.

Sumunod na taon, nagmadali din si Tatay. Inabot na ang kamay na magdadala sa kanya kay Nanay. Nakita daw niya, Hindi ko alam.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nagsayang o nagsasayang ba ako nang maraming panahon. Nagtapon ba ako ng pagkakataon? Nagkulang ba ako. Sa hangganan nang lahat, ngaun, bukas, pati ang kahapon, nando’n siguro.

gallery-faraway-house-uhs-5-1

Read more entries under the theme Missed Shots only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Ma. Susana Isla-Arcan
Articles: 3

13 Comments

Leave a Reply