

Musika at Gitara
Sa larangan ng pang gagamot
ako ay nagpakadalubhasa
Halos malibot ang buong mundo
Ng tinahak ko ang propesyon na gusto ko
Ngunit ako ay nagtataka
Bakit ako’y hindi lubos na masaya
Sa pag abot ko ng aking mga pngarap
Tila may bagay akong hinahanap
Sa pakiwari ko ay may kulang
Hinanap ko ang tunay na kasagutan
At Nang muli kung balikan
Dati naming tahanan
Natagpuan ko sagot sa aking katanungan.
Sa aking lumang silid akoy napasilip
Napansin ang isang bagay doo’y nkasabit
Puno ng alikabok
Sa pagdaan ng panahon ito’y rumupok
Niluma ng panhon
Ngunit alaala ko’y nanatili doon
Sumilay sa labi ko ang ngiti
Ito ang bagay na nuo’y aking minimithi.
Naalala ko pa kung pano ito hawakan
Kung paano ang bagay na ito ang aking naging insperasyon at sandalan
Ang bawat tunog na likha nito
Ang noon saakin ay nagpapalakas
ng loob ko
Ito ang isang bahagi ng pangarap ko
Pangarap na pansamantala kung itinago
Pangarap na isinakripisyo at tinalikuran ko
Pinangarap ko noon na ako’y
palakpakan ng maraming tao
tumapak at tumugtog sa gitna ng intablado
Ngunit pikit mata kung tinalikuran
Upang ang mas malaki kung pangarap ay mabigyan daan.
Kung nagustuhan nyo ang likha ni Sheng Milante Castrona Musika at Gitara, bisitahin ang kanyang Facebook Page na Pink Diary o manatili dito basahin ang iba pang gawa niya sa The Ugly Writers:
You must be logged in to post a comment.
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍
👍🏻
👍👍👍👍👍
👍