Anak, Gising Na!

Tila kay gandang isulat ng iyong kwento na kung saan ay sisimulan ito sa panimulang, "Isang araw, sa lugar na nabubuhay ang mga nag-iibigan ay naroon ang ikaw at siya."

Anak, Gising Na! is a tagalog spoken word poetry entry by SiEyEl to The Ugly Writers under the theme Pandemic for the month of April.

 

Anak, Gising Na!

 

received_2636393899762306

 

Panimula. Mahal kita. Tila kaysarap sa pandinig sa tuwing may taong nagsasabi sa’yo ng mga salitang “Mahal kita.” Yaong sa bawat araw na dumadaan sa buhay mo ay laging may isang taong magpaparamdam na mahal na mahal ka niya. Hindi ba’t nakakagaan ng loob kapag alam mo na may nagmamahal sa’yo ng sobra sobra? Tila kay gandang isulat ng iyong kwento na kung saan ay sisimulan ito sa panimulang, “Isang araw, sa lugar na nabubuhay ang mga nag-iibigan ay naroon ang ikaw at siya.” Pero lagi mong tatandaan ang lahat ng kuwento ay may katapusan, maaaring masaya o di naman kaya ay nakapagtataka.

Katawan. Habang binabagtas mo ang kuwento na ikaw mismo ang humabi, ang lahat ay perpekto. Ikaw na para sa kaniya at siya na para sa iyo. Ang sarap mabuhay sa isang kuwento na wari ikaw ay nasa kalangitan at natitikman ang kasarapan ng buhay. At iyo nang tinuloy ang iyong istorya, “Habang ikaw ay patuloy na nagmamahal sa kaniya, nakaramdam ka na ang lahat ay maayos, maganda, at wala ka nang masasabi pa. Tila namamangha ka sa bawat nangyayari sa inyong pagmamahalan.”

Katapusan. Kung gaano kasarap sa tainga ang mga salitang “Mahal kita”, ganoon din kasakit sa puso kapag pinaparamdam na nya sa’yo ang mga salitang, “Ayaw ko na.” Sa pagpapatuloy niyo sa inyong sumpaan akala mo ay mayroon pang siya, ngunit nagkakamali ka dahil ikaw nalang pala. Naalala mo pa nang sabihin niyong ang pag-ibig niyo ay panghabambuhay at mamahalin niyo ang isa’t isa nang walang humpay? Pero ngayon, maglalakad ka sa isang lugar na wala nang kaakbay, wala ng kasama, dahil wala ng siya. Siya na akala mo naandyan lagi para sa’yo, akala mo mahal ka hanggang magunaw ang mundo, akala mo na para sa’yo talaga, akala mo na hindi ka sasaktan kasi mahal ka, pero ‘wag kang umasa kasi lahat ng ‘yan akala mo lang pala.

Aral. Tila napuno ang imahinasyon ko sa pantasyang binuo ko sa aking isipan. Pantasyang pinaniniwalaan ko na totoo, yaong tipong pangit ka tapos mayroong diwatang magpapaganda sa’yo. Pantasyang sa tingin mo ay totoo kasi umaasa ka na lahat ay mangyayari sa buhay mo. Ikaw? Siya? Kayo? Sa bawat pantasya’t imahinasyon na nabuo sa isipan mo bakit di ka na lamang mabuhay sa totoo– sa buhay na ikaw lang mismo.

0 0 vote
Article Rating
Default image
SiEyEl
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x