the ugly writers

Digmaan

Hindi sila mga kabalyero na nakasakay sa kani- kanilang kabayo Wala silang hawak na bala Wala silang hawak na pana, espada at ano pang sandata

Digmaan is a tagalog poem written and shared by Patricia Lyn Bacsa to The Ugly Writers under the theme Love for the month of May.

 

Digmaan

 

Ito na yata ang pinakamalaking digmaang kinakaharap ng mundo sa ngayon

Mas mahirap ito kumpara sa mga nagdaang digmaan noon

Mas mapanganib ang mga kalaban

Hindi natin alam kung sila’y nasa himpapawid, lupa, o karagatan

Nababalot na ng takot ang paligid Huwag na kayong umaligid-aligid

Itago na ang mga sarili sa kani-kanilang lungga

Panatilihin na kalmado ang isa’t isa

Hindi natin nakikita ang kalaban

Hindi natin sila namamalayan

Bigla bigla na lamang silang papasok

At tahimik na lulusob para manakot

Bagama’t napakatahimik ng digmaang ito

Maingay naman ang iyak ng mga taong apektado

Kaliwa’t kanan ang mga nakaratay na katawan

At sa paglipas ng oras ay ito ay tuluyan pang nadaragdagan

Syempre hindi tayo dapat papadaig sa kalaban

Hindi natin hahayaang tayo’y maging luhaan na lamang

Nandiyan ang ating mga matatapang na mandirigma

Tutulong, sasagip sa mga nasugutan ng malubha

Hindi sila armadong tao

Hindi sila mga kabalyero na nakasakay sa kani- kanilang kabayo

Wala silang hawak na bala

Wala silang hawak na pana, espada at ano pang sandata

Sila’y mga nakaputing maskara

Hawak nila ay mga hiringgilya

Bente kwatro oras nila ay nakalaan

Walang tulog, walang pahinga para mga tao’y pagsilbihan

Kahit mapanganib, kahit kaharap ang kalaban

Gagamutin nila ang mga sugatang kababayan

Kahit buhay nila ay nakataya

Sila’y hindi magpapabaya

Nandito narin ang iba pang mandirigma

Mga nakaasul at berde na uniporme sila

Dala nila’y baril ngunit di para pumatay

Kundi para sa bayan nila ay magbantay

Sa kainitan ng araw sila’y mistulang estatuwa

Nagbabantay, sinisiguradong ang bawat lugar ay payapa

Nagpapatrol sa kadiliman ng gabi matiyak lang ang kaligtasan

Mabatikos man ng iba, magiging tapat parin sa serbisyo para sa kanilang kapakanan

Maraming salamat aming mga bayaning dakila

Bagaman buhay niyo’y nakataya, hindi ninyo ito alintana.

Please support Patricia Lyn Bacsa by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

0 0 vote
Article Rating
Default image
Patricia Lyn Bacsa
Subscribe
Notify of
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Joanna Mae Andrade

I salute to all of our bayani. Keep fighting and don’t forget to pray to our Almighty God this pandemic will be end soon ❤😊

1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x