the ugly writers

Ika-Apat

Isang araw nakilala kita. Hindi na ako sanay pero ako’y buong pusong nagpakilala. Hindi pa ako handa pero ako’y nagpakita. Tapos kinilala ka pa. Nagbabakasakali lang naman.

Ika-apat is a tagalog poem written and shared by Patricia Lyn Bacsa to The Ugly Writers under the theme Pandemic for the month of April.

 

Ika-apat

 

 

Payapa naman ang karagatan, tahimik.
Pero ang lungkot tingnan.
Malamig ang simoy ng hangin ngunit walang bagyo.
Mainit ang panahon pero bakit makulimlim.
Yung tipong masaya ka naman,
pero bakit palaging may kulang.
Bakit parang mapait yung kap
kahit sobra naman sa asukal.
Mainit naman yung sabaw pero
pakiramdam ko ang lamig naman

Bakit parang may kulang?

Hinanap ko yung mali, kung san may kulang.
Hinanap ko sa paligid pero wala naman.
Tumingin ako sa salamin, at nakita ko kung nasaan.
Nakangiti ang mga labi ngunit ang mata’y luhaan.

Nahanap ko na.
Sarili ko pala.

Yung mali, yung may kulang.
Lagi kaseng mag-isa kaya nasanay nang walang kasama.
Lagi kaseng nililibang ang sarili mag-isa
kaya nakuntento na sa sarili niya

Hanggang sa…

Isang araw nakilala kita.
Hindi na ako sanay pero ako’y buong pusong nagpakilala.
Hindi pa ako handa pero ako’y nagpakita.
Tapos kinilala ka pa.
Nagbabakasakali lang naman.

Malay mo…
Ikaw na.

Yung magpupuno ng mga kulang.
Magtatama ng mga mali.
Maglalagay ng saya sa mga mata.
At pagkatapos ng ilan pang mga araw at linggo…
Hindi ko na din namamalayan
Hinihintay ko na ang mga text at tawag mo
Nasasabik na akong makausap ka minu-minuto.
Hindi ko na namamalayan…
Unti-unti na akong nahuhulog sayo.
Hindi ako sigurado pero susugal ako.

Malay mo…
Siya na.

Yung magpupuno ng mga kulang
Magtatama ng mga mali
Maglalagay ng saya sa mga mata.
Masyadong mahangin pero ang sarap sa pakiramdam
Medyo maalon at may konteng ingay
Asul na asul ang langit kay gandang pagmasdan
Payapa na ang karagatan,
oo, tahimik pero andon na ang pananabik.
Malamig parin ang simoy ng hangin
pero hindi tulad ng dating may ibang ipinararating
Hindi na rin mapait ang kape, tamang tamis ang malalasahan

Bakit parang…

Wala ng kulang.
Wala ng mali.
Wala ng lungkot.
Wala na yung bigat.
Hindi na rin nag-iisa

Nakahanap naren ako ng manlalayag
sa aking payapang karagatan.
Nakahanap na akong ng taga
timpla ng matamis na kape.
Ramdam ko din ang mainit na sabaw.
Ramdam na ramdam ko na.

Ang sarap palang mayroong nakakasama.
Mayroong nakakaintindi ng iyong pag-iisa.
Mayroong nakakasabay sa iyong gimik.
Ang sarap na mayroong sumusuporta.
Umaalalay at gumagabay.

Andon na kase yung punto na kaya mo maglayag sa payapang karagatan ng mag-isa.
Pero yung pakiramdam na may kasama ka.
Yung pakiramdam na masaya ka, dahil mayroon ding nagpapasaya.
Yun yung kakaiba.
Ang saya dahil nakilala kita.

 

If you liked reading the tagalog poem, Ika-Apat, read other tagalog entries here:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

0 0 vote
Article Rating
Default image
Patricia Lyn Bacsa
Subscribe
Notify of
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Joanna Mae Andrade

Lahat ng paghihintay mo naging worth it lahat. Wag kang manghinayang kong may pagkukulang sayo, wag mong hanapin kusang dadating yan. Tingnan mo dumating na sayo at sana maging masaya kayo. 😊

1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x