
Batang Ina
Batang Ina
Ako’y nag iisang prinsesa
Ng aking ama’t ina
Ang tahanan namin ang aking palasyo
At Ibinibigay nila, lahat kung luho.
Ang katulad ko’y magandang rosas
Kaya naman ang payo ng aking ina
Sarili ko’y laging iingatan
Mapanuksong bubuyog ay iwasan.
Katulad ng isang bulaklak
Pinilit kung agad mamukadkad
Nais kung makita ang makulay na mundo
At sagutin ang mga haka haka ko.
Ngunit sa aking pag tuklas
Iba ang aking narating,
Dala ng aking kapusukan
Ang paalala ina hindi ko pinakinggan.
Ang kanilang prinsesa
Ngayo’y isa naring ina
Tangan koy isang supling
Na di ko alam kung paano palalakihin
Ang dating magandang bulaklak
Sa pagkatao ko’y unti unting nalalanta.
Ganda nito ay di mo na maaninag
Ang matamis kung ngiti
napalitan ng pait
Ang magandang kinabukasan
Na saakin dapat sana ay nakalaan
Sa isang kisap mata
Lahat ng ito ay nawala.
Ninais kung ang buhay ay kitilin
Sapagkat ang kahihiyan
Ay di ko kayang harapin,
Ang maagang responsibilidad
Ay diko kayang pasanin.
Ngunit anong silbi ng buhay ko
Kung ito’y basta nalang maglalaho
Alam kung ang pagsisisi ay laging
Nasa huli,
Ngunit pipiliin kung lumaban at magbago
Hindi pa huli para sa mga naging
batang ina na kagaya ko.
Hindi ko man maitutuwid ang aking pagkakamali
Ang pagkakamaling ito Ang gagamitin ko
Sa pagbuo ng bago kung mundo.
Kung nagustuhan nyo ang likha ni Sheng Milante Castrona, bisitahin ang kanyang Facebook Page na Pink Diary o manatili dito at basahin ang iba pang gawa niya sa The Ugly Writers:
2 Comments