

Alam kong ako’y di nag-iisa is a tagalog poem by Ms. Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers for the month of November.
Alam kong ako’y di nag-iisa
Tila isang munting bata
Nakalapat ang dalawang palad
nakaluhod tila nagmamakaawa
Nakayuko’t nakapikit tila bibig may sinasambit
“Aking Ama, sana ay mapakinggan mo
Tinig ko ngayon na nagdarasal,nagsusumamo
Ako ay may isang kahilingan
Sa pagkakataong ito sana iyong mapakinggan”
Lumuluha. Nagmamakaawa
sapagkat kay bigat pagsubok na nakatadhana
Kaya sa Panginoon na syang lumikha,
Kumakapit at naghihintay ng isang himala
Biglang lumiwanag ,isang nakakasilaw na tila tala
Tanglaw ko ang isang liwanag na siyang aking tiningala
Isang tinig. Napakalamig
Tinig na nagpapagaan ng puso’t damdamin
Narinig ko ito at ito ang kanyang sambit
“Anak tumayo ka. Naririnig ko ang iyong pagmamakaawa
Sa pagsubok, hindi ka nag-iisa
Kasama mo ako para gabayan ka
Kung kay bigat man ng dinadala
Huwag kalimutang ako ay tawagin,akoy darating
Tawagin mo ako sapagkat ika’y aking aakayin
Aking anak ano pa’t ako’y Panginoon mandin”
Tumulo ang luha ng di ko pansin
Sabay ang pagdilim muli ng paligid
Ngunit sa pagkakataong ito akoy napangiti…
sapagkat alam kong ang Panginoon ay laging nasa aking tabi.