Kwadrong Kalawakan is a tagalog poem written by R.R. Dais and shared with The Ugly Writers under our September theme called Organized Chaos
Kwadrong Kalawakan
Sa kwadrong ito ng usok at nota
Pinupuno ko ang gutom na sikmura
Habang nilulunod ng iba ang gunita
Kay San Miguel at GI Colt –
Ramdam ko ang pagka-ulila sa iyo.
Nililibang ang sarili sa pagbalik sa nakagawian:
Mga alaala ng pluma at panaginip na gising
Saksi sa inip, lungkot, at pagod ng ibang
Mga kaluluwang naririto sa loob.
Animo’y mga ibong hapo at nananahan
Panandalian mula sa unos, sa labas
Upang bukas ay harapin muli
Ang aspaltong kalawakan.
Monumento, Caloocan
Hulyo 2012
Read more works from R. R. Dais here on The Ugly Writers: