Peryahan

Peryahan

Peryahan is a tagalog poem written by R.R. Dais and shared with The Ugly Writers under the theme Organized Chaos for the month of September

Peryahan

peryahan2-073518a0
Carnival scenes in the province during fiesta

Halika at sabay-sabay na tayo:
Magdala kayo ng kaunting barya
A-piso lang naman
Bawat taya…

At habang umiikot ang uniberso
Iikot din ang roleta ng kapalaran
Sa palad natin nakasalalay
Makalimutan lahat ng magulo sa kalunsuran.

Lulunurin natin ang musmos pang gabi
Sa mga sulyapan at ngitian ng mga kabataan,
Ng mga nanay at tatay na naglilibang,
Pati ng mga lihim pa o lantad nang kasarian…

Ayan, tuloy lang ang walang katapusang
Musika sa mataong liwasan,
Umaalingawngaw paikot sa kabundukan –
Pero teka bukas may WFH pa pala!

Kaya halina nga at magsi-uwi na:
Ipit-bitbit ang Zesto at sitseryang napanalunan
Okay lang ilang beses man natalo
Kada taya, a-piso lang naman.

1 Agosto 2022
Sorsogon

Avatar photo
R. R. Dais
Articles: 3

Leave a Reply