the ugly writers

Alay sa mga napapagod at nawawalan na ng gana

Tatakbo ang oras, pwede kang malagpasan ng panahon, Pero hangga't dumidilat ka ay mas may pag-asa pa rin kesa sa kahapon

Alay sa mga napapagod at nawawalan ng gana is an inspirational poem written by Alberto C. Colasito and shared with The Ugly Writers under the theme Trust The Process for the month of November

Alay sa mga napapagod at nawawalan ng gana

20231028_122326_0000

Alam ko pagod ka na,

Alam ko minsan hindi mo na kaya

Ang ingay din kasi ng paligid,

Nakakainis, andaming maligalig

Lahat ata kinikimkim mo,

Sa utak mo, puso mo, pati paghinga mo

Darating sa oras na sasabihin mong “bahala na kayo”,

Sa bawat galaw at salita kasi ay sumasabay sa bigat at tibok ng iyong pulso

Kung mas marami pa dito ang pinagdadaanan mo,

Halika dito at mag-usap tayo

Tatakbo ang oras, pwede kang malagpasan ng panahon,

Pero hangga’t dumidilat ka ay mas may pag-asa pa rin kesa sa kahapon

Tumigil ka sandali at bigyan ng pagkakataon,

Dahil may mga taong tinitignan kang dahilan para bumangon

May bukas na mas astig kesa sa ngayon,

Pagtuunan natin ang saya ng salitang padayon

“Padayon kaibigan!” Kailangan mo itong marinig!

Sa dami ng nangyayari ay hindi mo na minsan marinig ang maliit na tinig

Tinig ng batang ikaw, nung nangagarap kang magsimula,

Tignan mo, andami mo na palang nagawa!

Tumingala ka at tignan ang bukas,

Habang nililingon mo ang pinagdaanan mo sa mga nawawalang bakas

Kung hindi mo na maramdaman, hinga ka muna,

Tapos punasan mo ang luha at lungkot sayong mga mata

Tayo ka ulit kahit ilang beses kang madapa,

Iba din kasi ang bigat kapag pakiramdam ang tumataga

Kaya mo yan pre, huwag kang bibitaw,

Sa pagtapos ng dilim ay darating din ang sikat ng araw

Lika, tignan natin ang pagdating ng bukas

the ugly writers

Read previous entries from Alberto C. Colasito at The Ugly Writers:

the ugly writers
the ugly writers
the ugly writers
Alberto C. Colasito

Alberto C. Colasito

Articles: 6

Leave a Reply