Ikalimang Kabanata: Sa Pagitan

Paano natin isusulat ang mundong walang kasiguraduhan?

Sa pagitan ba ng bawat linya ay paiibigin ko ang aking letra?
At nang mapunan nito ang mga espayo,
Upang makabuo ng liriko at melodiya ng pagmamahal.

Paano natin sisimulan ang isang pangungusap na hindi malaman kung anong letra ang unang ilalagak?
Na siyang magdudulot ng galak at siyang magpapaindak,
Sa bawat akda, tula at libro ng prosang ating magagawa.

Paano nga ba mahal?

Sa pagitan ba ng ako at ikaw?
Nang mundo at kalawakan?
Sa pagitan ng dulo at katapusan?

Paano nga ba natin itititik, mahal?

Sabihin mo sa akin kung paano at ano ang mga milyong dahilan.
Kung anong letra ang ating itititik.
Upang ang ating kuwento’y maging kapana-panabik.
Sabihin mo sa akin.

Paano nga ba mahal?

At kung sakaling hindi mo rin alam kung saan sisimulan.
At kung hindi ka rin makagamay,
Subukan nating ilagak ang walang kasiguraduhan,
At ititik natin ang mga salitang,

“Mahal, mamahalin kita sa pagitan ng bawat linya at letra — sa pagitan ng walang kasiguraduhang mundo ng mga akda.

At lagi mong tatandaan,
Mahal, mahal kita.”

2

2 Comments

Leave a Reply