Noon, Ngayon at sa Susunod na Panahon

Kung ang kamay ko ay kusang lumalapit sa mga kamay mo hahawakan mo ba ito?
Kung ang paa ko ay sadyang sumusunod sa mga paa mo sasabayan mo ba ako?

Para tayong hangin na kusang magpaparamdam ng lamig na nanunuot sa ating kalamnan at naghahanap ng init na papatay sa ginaw na ating nararamdaman.

Kung ang puso ko ay mananatiling humahabol sa pagmamahal mo ako ba ay tatangapin mo?
Kung ang buhay ko ay ilalaan ko lamang para sayo ako ba ay hahawakan at yayakapin mo?

Para tayong usok na nakakasulasok pero mananatiling nalalanghap sa araw araw na nagdaan. Ako ba ay hahalikan at dadamayan sa anumang problema na ating pagdadaanan? Hawak kamay ba nating haharapin ang bukas na may halong pighati at pagasa sa hinaharap?

Ikaw at ako kahit ano man tayo noon, ngayon at sa mga susunod na panahon, magkasundo man o hindi sa bawat desisyon iisa ang hangarin ng ating mga puso ang mahalin ang bawat sandali na meron tayo sa pagsikat man o sa paglubog ng araw. Mananatiling ikaw lamang ang hinahangad sa pagsapit ng bagong liwanag.

16 thoughts on “Noon, Ngayon at sa Susunod na Panahon

Leave a Reply

March 27, 2017

Binibining `E works for a BPO company by day and is a supersized, weird and peculiar super hero by night who loves the sea, the sand and the sun. She has been eating books for breakfast, lunch and dinner and even for desserts too. An amateur sketcher, can draw when bored. Can write at times and whenever she thinks she can. A certified bibliophile, expect lots of book reviews and adventures with this ugly writer. She is not an ordinary girl. She is peculiar indeed. Will prefer basketball over drama, books over telenovelas, a good book and a cup of coffee over tv.

Latest

vincere Christos pherein
hour glass

vincere Christos pherein

December 2, 2025
Rain
u1111-rain

Rain

October 6, 2025
Kung Pwede Lang Sana
Asian female student studying alone

Kung Pwede Lang Sana

September 15, 2025
When Winter Ends
End of Winter

When Winter Ends

September 12, 2025