

KAGABI LAMANG..
May lugod nating tiningala
pulutong ng buwan at estrelyang
nakipagtaguan na animo’y paslit
at sa tirintas nila ipinila,
matikas na Kastilyong
bantayog ng ating labis na pagsinta
– ayaw kong wakasan sandaling iyon.
KANINA LAMANG…
Kay tamis mong sinambit
na sa lakas nitong bisig
at init ng mga labi ikukubli
damdaming tanging sakin
lamang nasumpungan
mapagheleng kataga,
– pumanday sa aba kong pagkatao.
SA ISANG IGLAP, NGAYON..
paghagibis ng punlo
pagsinok ng hininga,
gumuho ang nabubuo
ko na sanang daigdig
abong tinangay
ng masungit na hangin
sa karimlan ng kawalan
nilamon ka ng itim na ulap…
– pagkisap nitong talukap.
You must be logged in to post a comment.
Nice.
Time passes quickly. Great poem!
Tamayo, Christian James
Arc132
Art app
Super lalim naman ng words, pwede pababayaan naman po minsan kahit konti
Let me tell you the truth, hindi totoo yung feelings niya. Just kiddin’
Kenneth Willie M. Layona
National-U, BSBA- MAR142
JETAJOBE, ARMEL C.
MAR142
APIGO, MARIA MAISE ANN D.
SOCIOLOGY AND FAMILY PLANNING
MAR142
Olveda, Madel P.
MAR142
Graezel adchak L
Arc132
Art app.
Barnes, Camelle Shayne B.
ARTAPP
ARC 133
Rodriguez, Franz
CIV162
ART APP
Jhowin B. Doloeras, CIV192, Art Appreciation, Lights, MX