the ugly writers

Ang Makatang Ninakawan ng Salita

Hindi ko ikuwento kung paano akong nahulog Sayo nung una pa lang kitang nakita sa pinaka huling hilera ng mga upuan sa silid aralan

Hindi ako magsisimula sa umpisa
Hindi sisimulan ang tula sa
Magagandang kabanata
Hindi magsisimula sa
Mahika na nakabalot sayong mga mata
Simulan natin sa sakit at hinagpis
Simulan natin sa katapusan
Dahil ako ay isang makatang ninakawan ng salita

Hindi ko ikukwento
Kung paano akong nahulog
Sayo nung una pa lang
Kitang nakita sa pinaka huling
Hilera ng mga upuan sa silid aralan

Hindi ko ikukwento
Kung paano akong nauutal
Sa tuwing kaharap na kita
Hindi babanggitin na
Namimilipit ang dila
Sa tuwing kausap ka

Hindi, dahil ako ay isang makatang
Ninakawan ng salita

Hindi ko rin ikukwento
Ang unang beses na niyakap mo ako
Hindi ko ikukwento ang init
Na dala nang yakap mo sa puso ko

Hindi ko ikukwento
Ang unang pagkakataon
Na nasabi kong mahal kita
At sumagot ka nang mahal din kita

Pero mahal bakit nakalimutan mo na yata?
Mahal bakit mo ako ninakawan nang salita?

Hindi ko ikukwento
Ang unang beses na
Pinag alayan kita nang tula
Hindi ko ikukwento
Na ikaw ang dahilan kung
Bakit ako bumalik
Sa pag susulat
Na dahil sa pagkahulog ko sayo
Ay nawala ang takot kong
Tumalon sa kawalan
At pakawalan ang
mga damdaming tinatago

Hindi ko ikukwento
Na natuto akong sumugal
Para sa pag ibig mo
Hindi ikukwento
Kung ilang beses
Akong nagmakaawa
Na ako’y balikan mo

Hindi ko ikukwento
Ang huling gabing
Narinig kong sinabi mong mahal mo ako
Hindi ko babanggitin
Ang huling pagkakataon
Na nakita ko sa mga mata mo
Na mahal mo ako
Hindi ko sasabihin
Kung kailan ang huling beses
Na nagsulat ng masayang
Tula ang puso ko

Hindi, dahil ako ay isang
Makatang ninakawan ng salita.
Hindi, kasi mahal ninakaw mo ang aking mga salita.

Hindi. Kasi mahal kasabay ng paglisan mo ay bitbit mo ang mga salitang pinanganak nang ating mga puso.

Mahal, ibalik mo na ang aking mga salita.
Mahal, bumalik ka na.

Avatar photo
dancing morphemes
Articles: 2

2 Comments

Leave a Reply