Instrumento

Published by Sarte Lavinia on

instrumento theuglywriters

Napakagulo ng mundong ginagalawan ko
Ilang beses mang tumakbo at lumayo
Bumabalik pa din ako dito
Ano ba’ng meron sa malungkot na kinatatayuan ko?

Maraming nabubuwisan ng buhay
Araw-araw ay may namamatay
Magulo ang isipan, maraming tanong ang bumabalot sa aking katauhan
Bakit pa kailangang mabuhay kung dito rin lang naman ang kababagsakan?

Pilipinas, nasaan ka na?
Puntahan dati ng mga turista ngayon ay mga rebelde na
Asan na ang mga magagandang ilaw na sumasabog sa kalangitan tuwing gabi?
O natakpan na ng usok ng bomba na pinapasabog nang walang sabi-sabi?

Asan na ang mga palangiting tao na iyong pinagmamalaki?
Sila na ngayo’y puno na ng lungkot at ng pighati.
Asan na ang kalayaang pinaglaban ng mga bayani?
Kung sa simpleng bagay pa lamang ay wala na tayong makuhang karapatan sa mga opisyal na tiwali.

Pilipinas, papalubog na ba ang araw mo sa bandilang iwinawagayway nang may yabang?
At ang mga bituin mo ba ay nawalan na ng liwanag dahil sa mga ulap na humaharang?

Kelan kaya na ang solusyon ay kusang kakatok sa aking pintuan
At papapasukin nang buong hospitalidad na para bang bisitang galing sa ibang bayan
Pilipinas bumangon ka at tutulungan kita
Upang ang aking kabataan ay magkaroon ng halaga.

 

Life and Works of Rizal
PRE161

Illustrados
Sarte, Lavinia
Larga, Renz
Nierva, Joannie
Legaspi, Calvin
Cullamco, Kimberly

Please support us by liking and sharing:
error1213

8
Leave a Reply

Please Login to comment
8 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
8 Comment authors
SimonJurnalynJorgette AndreaAnjoMara Lyka Salcedo Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Lyka
Member

Ong,Lyka V
PHA151

Mary Nicole
Member

Kabataan parin ang pag asa ng bayan.

Abrielle Natasha
Member

Reyes,Abrielle Natasha S.
MAR142
Life and Works of Rizal
Ang kabataan padin ang magiging malaking instrumento sa bayan dahil sa education.

Mara Lyka Salcedo
Member

National- because it talks about how the Philippines changed and how our own country rises again from different problems.

Anjo
Member

Manalastas, Joel ANjo
psy152

National – this poem talks about the philippines, it compares the past philippines to the current state we are living.

Jorgette Andrea
Member

National Culture- because it talks about how the Philippines changed in a bad way

Santos, Jorgette Andrea E. PSY152

Jurnalyn
Member

National – We can read in this article how our culture change and how it affects our current state because of those changes.

Simon
Member

Ongteco, Simon Peter S.
PSY 152

National Culture in this poem shows us how the filipino culture change and how philippines faced problems.