Eyeball

Published by Binibining `E on

eyeball

Saan aabot ang pangarap na makita ka?
Kelan dadating ang panahon na makakasama ka?
Taon ang lumipas simula ng magkakilala.
Taon na din ang nagdaan ngunit di pa rin pinagtatagpo
ng tadhana ang ating mga landas.

Pinangarap at inasam na makaharap ka
ngunit sadyang dikta ng panahon na ilayo ka.
Lumipas ang ilang taon na araw araw
kausap ka, kakwentuhan ka,
ngunit wala sa isip mo na ako’y
nabibighani na sayo.

Dadating ba ang araw na mahahawakan ko
ang iyong mga kamay, mayayakap ka tuwing
ikaw ay nalulumbay.
May tadhana kayang nakalaan para sa
ating dalawa o hanggang dito na lang sa
makabagong teknolohiya ang makapiling ka.

Dumadaan ang araw, lumilipas ang oras,
nanunuot ang lamig sa katawang inaasam ang iyong init.
Hanggang kelan magiging ganito,
hanggang kelan makukuntento sa mensahe na
natatanggap ko sa inbox ng aking telepono.

Kuntento ka ba na hanggang dito lang tayo?
Inaasam mo din ba ang aking samyo?
Mananatili na lang bang nakakulong sa iskrin ng ating mga telepono?
Mapagod na sana ang tadhana at pagtagpuin na sana tayo.

Please support us by liking and sharing:
error

Binibining `E

Binibining `E works for a BPO company by day and is a supersized, weird and peculiar super hero by night who loves the sea, the sand and the sun. She has been eating books for breakfast, lunch and dinner and even for desserts too. An amateur sketcher, can draw when bored. Can write at times and whenever she thinks she can. A certified bibliophile, expect lots of book reviews and adventures with this ugly writer. She is not an ordinary girl. She is peculiar indeed. Will prefer basketball over drama, books over telenovelas, a good book and a cup of coffee over tv.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of