Let’s step up together

Bakit napakahirap para sa atin na ingatan kung ano yung meron tayo? Bakit di tayo marunong makuntento? Bakit natin binabaliwala kung ano yung pinagkatiwala sa atin? Bakit marami sa atin ang hindi pa natututo. Mismong lider at namumuno sa  bansa natin patayo nang patayo ng kung anu anong establishment. Oo para rin sa mamamayan ng Pilipinas pero di ba natin ito pwedeng gawin nang hindi napapabayaan ang ganda ng ating bansa. Bakit hanggang ngayon maraming lugar ang binabaha? Hindi ba dahil lang din ito sa kagagawan natin. Hindi tayo maingat. Marami sa atin ang makalat. Tapon dito. Tapon doon. Walang pakialam sa paligid. Pero pag dumating na ang panahon na maraming umiiyak at nagdudusa dahil sa mga nature acts na ating nararanasan, maaawa tayo. Hindi tayo magkusang magtanim, maglinis, itapon sa basura yung mga kalat natin. Aasahan pa natin yung mga streetsweeper sa mga ganitong bagay. Yung mga bagay na kaya namang gawin ng lahat pero iaasa pa natin sa ibang tao.

Bakit hindi tayo magtulungan na ingatan natin ang biyayang bigay ng Diyos sa atin. Wala sanang nadedehado. Lahat sana tayo nagkakaisa at masaya. Isa pa tong mga corrupt officials. Basta maisipan na magtayo ng ganito ganyan, hingi ng budget. Wala ba tayong kakuntetuhan sa mundo. Yung iba todo imbento ng mga sarili nilang proyekto kahit sa totoo eh wala silang balak na itayo ito. Hingi ng budget tapos pagkatapos ano? Tengga. Bakit gusto natin nang sobra sobra para sa sarili natin. Wala na tayong pakialam sa matatapakan natin, sa mga magsa-suffer sa mga decisions natin. Sana magising na tayo sa katotohanan. Sana mauntog na tayong lahat na hello? Dapat nagkakaisa tayo. Dapat nagtutulungan tayo. Lahat sana tayo masaya, walang problema, walang mahirap. Pero sa bagay may iilan din sa atin ang tinatamaan ng katamaran, kuntento na sa araw-araw na buhay. Wala nang willingness na magsumikap sa buhay. Yung tipong nasa harap mo na, lalakarin mo nalang nang kaunti at tutukain mo na lang pero marami sa atin ang tamad. Lahat ng sisi sa ibang tao? sa gobyerno? Konting effort na lang may biyaya na sana eh. Masyadong maraming humahadlang sa isip natin. Na wala nang pag-asa. Bahala-na kind of thinking. Bakit may mga mayayaman ngayon na dati ring nagsimula sa kahirapan. Meron silang determination na sa buhay. Kayang kaya rin nating lahat yun eh. Kinakailangan din nating magtiyaga. Kung sana naiisip ito ng lahat ng tao. Wala sana sa atin ang nagdudusa sa kahirapan.

Meron mga mas matataas at mas mapapalad na tao sa lipunan hindi para kainggitan kundi para gawing inspirasyon sa buhay na asamin din sana natin ang ganung buhay nang walang tinatapakang tao at walang nadedehado. Umattend ako sa training ko last Sunday at sinabi ng trainor namin, hindi niya pwedeng sabihin kung ano yung magandang gawing stepping stone or kung ano ang dapat na gawin or kung magkano yung dapat naming maging salary sa unang work after graduating college. Ang kailangan mong alamin eh kung ano yung fair sayo. Saan ka ba makukuntento. Maganda sa pakiramdam yung nakamit mo na kung ano yung fair sayo. Ngayon kung sa tingin mo hindi pa fair ang sitwasyon mo ngayon, kung ano yung natatanggap mo ngayon. Edi strive harder. Nasa isip lang natin lahat yan. Controllable lahat at sabi nga, ikaw ang driver ng buhay mo. Let’s think twice before tayo mag decision. Think about consequences and advantages. And pray. He just want to see us na mag-effort. And after all the sacrifices? It’s all worth it. It’ll all payback sooner or later. Everything happens for a reason.