the ugly writers

Bwahaha ka!

Minsan parang masarap yung bigla nalang maglaho... Lumipad na parang pinasingaw na lobo... Tapos nakatawa habang nakapakyu... Kaso wag nalang pala, tinatamad ako...

Bwahaha ka!

 

Ilang beses ka na bang nabigo?
Ilang beses ka ng ginago?
Maniniwala ka parin ba sa mga pangako?
Nakakatawa, pareho pala tayo…
Ansakit-sakit lang sobra noh?
Parang pinong kurot sa utong mo…
Parang kinagat ang tenga mo…
Parang nagsarado ang pwet mo…
Minsan parang ayaw ko ng maniwala…
Para kasing sila-sila nalang ang laging pinagpapala…
Nakakasawa maghintay, nakakasawang umasa…
Lalo na kapag iniwan ka kahit matagal kayong nagsama…
Para kang nahulog na ampalaya sa nilulutong adobo…
Hindi ka nabibilang sa grupo…
Kahit maglupasay ka at mag-alburuto…
Hindi ka na papansinin ng sibuyas, bawang, suka at toyo…
Pano may karne nang sangkap..
Hindi ka kailangan, wag kang mapagpanggap….
Hinding-hindi ka na matatanggap…
Masakit mang panoorin kung anong ganap…
Dyan ka lang ba?
Maghihintay sa muling pagbalik nya?
Naku, wag na kaya…
Baka habang buhay ka lang umasa…
Maiksi lang ang buhay, sige ka..
Baka at the end mabuhay ka lang sa akala…
Yung inaantay mo eh wala na pala…
Andun, masaya na, may kasama ng iba…
Minsan parang masarap yung bigla nalang maglaho…
Lumipad na parang pinasingaw na lobo…
Tapos nakatawa habang nakapakyu…
Kaso wag nalang pala, tinatamad ako…
Ayoko Sanang alisan ka ng pag-asa…
Ayoko ko lang ng may umiiyak sa mga taong wala na…
Tapos babalikan ka ulit pagkinalabit ng karma…
Ngitian mo lang, tsaka ka Tumawa… Bwahaha mo ka! Bwahaha ka pa!!

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Bwahaha Ka!, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

0 0 vote
Article Rating
Default image
Dhudz Delfin
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x